Friday, August 25, 2017

CPP/Ang Bayan: Pagwasak ng mga traysikel, kinundena

Propaganda article from the Tagalog edition of Ang Bayan posted to the Communist Party of the Philippines Website (Aug 21): Pagwasak ng mga traysikel, kinundena

NAGPROTESTA SA harap ng Quezon City Hall ang mga myembro ng KADAMAY noong Agosto 9 para kundenahin ang pagpapatupad ng ordinansang SP 2337 o “one-strike policy” laban sa mga hindi rehistradong traysikel. Bago nito, marahas na winasak ang 80 traysikel sa harap mismo ng mga may-ari nito. Ayon kay Bea Arellano, tagapangulo ng organisasyon, napakaraming sinisingil ang lokal na gubyerno para sa pagpaparehistro kaya napipilitan ang mahihirap na magpatuloy sa kanilang kabuhayan sa kabila ng tuluy-tuloy na panggigipit ng mga awtoridad. Kinundena rin ito ni Sec. Judy Taguiwalo ng DSWD at inihambing sa magaan na parusa sa iligal na operasyon ng mga kumpanya sa transportasyon na Uber at Grab. Nanawagan siya ng mas makatao at produktibong paraan para lutasin ang usapin at hindi ang pagwasak sa ari-arian ng mamamayan.

Bungkalan sa Batangas

SINIMULAN NG mga magsasaka ng Sityo Balakbakan, Brgy. Laiya Aplaya, San Juan, Batangas noong Agosto 17 ang bungkalan sa inaagaw na lupa ng Laiya Development Corp. ni Frederico Campos III. Kinakamkam ni Campos ang Sityo Balakbakan upang gawing marangyang resort para sa mga turista. Noong Hulyo 3, 2014, marahas na dinemolis ang mga kabahayan at itinulak ng mga residente na manirahan sa tabi ng kalsada. Kahit sa gitna ng matinding panghaharas ng mga gwardya, tuluy-tuloy na ipinaglalaban ng mga magsasaka ang karapatan nila sa lupa.

Ika-10 taon ng Pandaigdigang Araw ng mga Katutubo, ipinagdiwang

SA ILALIM NG temang “Araw ng Pakikibaka at Pagdiriwang”, nagtipon ang mga katutubo ng Kordilyera noong Agosto 9 sa syudad ng Baguio. Pinangunahan ng Cordillera Peoples Alliance (CPA) ang panawagan para sa pagpapaigting ng pagkakaisa at pakikibaka para sa karapatan sa pagpapasya sa sarili ng mga pambansang minorya at karapatan ng iba pang sektor ng lipunan. Nanawagan rin ang CPA na wakasan ang batas militar sa Mindanao dahil ang mga katutubong Lumad ang nabibiktima ng malawakang paglabag ng militar at paramilitar sa mga karapatan ng mamamayan.

[Ang Bayan is the official newspaper of the Communist Party of the Philippines. Ang Bayan is published in Pilipino, Bisaya, Hiligaynon, Waray and English. Download Ang Bayan from the Philippine Revolution Web Central at www.philippinerevolution.info.  Ang Bayan is published fortnightly by the Central Committee of the Communist Party of the Philippines.]

https://www.philippinerevolution.info/ang_bayan/20170821-pagwasak-ng-mga-traysikel-kinundena/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.