Propaganda article from the Tagalog edition of Ang Bayan posted to the Communist Party of the Philippines Website (Aug 21): Paglaban sa madugong kampanya kontra droga
SA LALONG PAGDAMI ng biktima ng ekstrahudisyal na pagpaslang sa ngalan ng “gera kontra-droga” ni Duterte, dumarami rin ang mga nagngangalit na mamamayang kumukundena sa rito.
Noong Agosto 18, naglunsad ng black ribbon protest ang mga myembro ng Anakbayan mula sa University of the Philippines-Diliman, Polytechnic University of the Philippines at University of Sto. Tomas upang kundena-hin ang “gera kontra-droga,” partikular ang pagpatay sa 17-taong gulang na si Kian de los Santos. Nagprotesta rin sa araw na ito ang iba’t ibang sektor sa pangunguna ng KADAMAY at Rise Up for Life and Rights sa Boy Scouts Rotonda sa Quezon City.
“Hindi lang sa Mindanao ang martial law ni Duterte, maging sa mahihirap na komunidad kung saan ang mga suspek sa droga at maliliit na adik at pusher ay pinapatay nang wala man lang paglilitis,” ayon kay Fr. Gilbert Billena, tagapagsalita ng Rise Up.
Lumaganap ang panawagang #JusticeforKian at ang pagtigil sa walang pakundangang pagpatay ng gubyerno sa mamamayan sa social media.
Nitong Agosto 21, inilunsad ng iba’t ibang grupo, kasama ang Stop the Killings Network at Bagong Alyansang Makabayan, ang “Walk for Justice” na magtatapos sa candle-lighting sa lugar ng krimen at programa sa burol ni de los Santos.
Nanawagan din ng hustisya si Archbishop Pablo David ng Caloocan para sa mga biktima. Aniya, magsisimulang magpatunog ng kampana ang simbahang Katoliko tuwing gabi mula Agosto 20 hanggang Nobyembre 27 bilang pagtutol sa malawakang pamamaslang.
Naglabas naman ng pahayag ng pagkundena ang mga manggagawang pangkultura, kabilang ang mga batikang mga direktor, manunulat, mang-aawit at artista ng pelikula. Anila, tila naging normal na lamang ang pagpatay sa ngalan ng ‘gera kontra droga’ at pagaabswelto sa mga salarin. Nanawagan din sila na itigil na ang kampanya at bigyan ng karampatang hustisya ang lahat ng naging biktima nito.
[Ang Bayan is the official newspaper of the Communist Party of the Philippines. Ang Bayan is published in Pilipino, Bisaya, Hiligaynon, Waray and English. Download Ang Bayan from the Philippine Revolution Web Central at www.philippinerevolution.info. Ang Bayan is published fortnightly by the Central Committee of the Communist Party of the Philippines.]
https://www.philippinerevolution.info/ang_bayan/20170821-paglaban-sa-madugong-kampanya-kontra-droga/
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.