Thursday, February 5, 2015

CPP/NPA: Dapat ilitaw ng militar at pulisya si Edwin Anuran

NPA propaganda statement posted to the CPP Website (Feb 3): Dapat ilitaw ng militar at pulisya si Edwin Anuran

Logo.bhb
Samuel Guerrero
Spokesperson
NPA Sorsogon Provincial Operations Command (Celso Minguez Command)
 
HANGGANG ngayon ay hindi pa rin inililitaw ng reaksyunaryong militar si Edwin Anuran, isang dating mandirigma ng NPA, na dinukot nila sa Barangay Sta. Cruz, Casiguran, Sorsogon noong gabi ng Biyernes, Enero 30.

Ang isa pang sibilyan na kasama niyang dinukot ng mga tropa ng gobyerno ay pinakawalan nila noong gabi ng Enero 31. Wala siya sa sarili nang ibaba ng isang van sa tapat ng Save More Supermarket sa Sorsogon City. Isinalaysay niya na piniringan sila ng mga dumukot sa kanila kaya hindi niya maituro kung saan sila dinala.

Malinaw na mga armadong pwersa ng gobyerno ang gumawa ng pagdukot kina Anuran. Dapat nilang ilitaw ang biktima at bigyan ng pagkakataong makausap ng pamilya at maipagtanggol ang sarili sa tamang benyu.

Ang posibleng tortyur na pinagdaraan niya sa kamay ng mga sundalo ng gubyerno upang pwersahin siyang magpagamit sa counterinsurgency ay paglabag sa kanyang karapatang mamuhay nang tahimik bilang sibilyan ngayong nilisan na niya ang rebolusyonaryong hukbo.

http://www.philippinerevolution.net/statements/20150203_dapat-ilitaw-ng-militar-at-pulisya-si-edwin-anuran

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.