NPA Quezon Provincial Operations Command (Apolonio Mendoza Command)
Lopez, Quezon – Isang tim ng New People’s Army sa ilalim ng Apolonio Mendoza Command sa lalawigan ng Quezon ang nagsagawa ng pang-iisynap at panghaharas sa tropa ng sundalo na kabilang sa 85th IBPA.
Ayon sa ulat ng yunit ng NPA na nagsagawa ng operasyon, bandang alas-diyes ng umaga nang isnaypin nila at paputukan ang tropa ng Philippine Army na nakahimpil sa Bgy. Binahian-C ng bayan ng Lopez.
Ang tropa ng sundalo ay ilang araw nang nagsasagawa ng operasyong militar sa naturang barangay.
Sa panimulang ulat, dalawang tropa ng 85th IBPA ang napatay. Ligtas nang nakaatras ang mga Pulang mandirigma ng AMC-NPA.
Sa iba pang balita, kinundena ni Ka Armine de Guia, tagapagsalita ng AMC-NPA ang pag-aresto kay Cenon Sambola, 58 taong gulang. Si Sambola ay dinakip ng Criminal Investigation & Detection Group noong gabi ng Enero 28 sa kanilang bahay sa Camarines Sur.
Pinabulaanan ni Ka Armine ang paratang kay Sambola na kasong murder dahil diumano ay sangkot sa naganap na pang-iisparo sa isang sunadalo noong 2004 sa bayan ng San Narciso.
Ayon kay Ka Armine, lehitimong aksyong-pamamarusa ang isinagawa ng isparo yunit ng NPA noong Mayo 2004 sa isang sabungan sa bayan ng San Narciso kung saan namatay si Sgt. Valdez ng 74th IBPA, intelligence officer ng naturang military unit.
Idiniin ni Ka Armine na si Sambola ay hindi NPA at walang anumang kinalaman sa pangyayari, kaya ang ginawang pagdakip kay Sambola ay desperasyon ng 2nd IDPA sa ilalaim ng Southern Luzon Command ng Armed Forces of the Philippines sa kabiguan nitong wasakin ang rebolusyon sa South Quezon-Bondoc Peninsula.
Dagdag pa ni Ka Armine, “ang mga walang kamuang-muang na sibiliyan ang kanilang dinadakip para lamang may maipresentang resulta. Nangyayari ang ganitong desperasyon ng AFP sa gitna ng malaking military operation blunder na kapangyayari lamang sa Mindanao.”
http://www.philippinerevolution.net/statements/20150131_85th-ibpa-hinaras-ng-npa

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.