Thursday, February 5, 2015

CPP/NPA: Intel operative ng 85th IBPA, inambus ng NPA

NPA propaganda statement posted to the CPP Website (Feb 1): Intel operative ng 85th IBPA, inambus ng NPA

Logo.bhb
Armine De Guia
Spokesperson
NPA Quezon Provincial Operations Command (Apolonio Mendoza Command)
 
Matagumpay na naambus at napatay ng isang special operation team ng New People’s Army sa ilalim ng Apolonio Mendoza Command sa lalawigan ng Quezon ang dalawang operatibang paniktik ng 85th IBPA noong umaga ng Enero 31, 2015 sa Bgry. Binahian-C, bayan ng Lopez.

Ang mga namatay ay sina Christoper de Leon a.k.a Ariel at Joel Almares a.k.a Joel, parehong operatibang paniktik ng 85th Infantry Batalion ng Philippine Army na nakaistasyon sa Villa Principe sa bayan ng Gumaca.
Nakasakay sila sa motorsiklo nang tambangan at paputukan ng mga Pulang mandirigma. Nakumpiska sa kanila ang isang kalibre 45 pistola, magasin at bala nito.

Matagumpay na naisagawa ang operasyon sa gitna ng malawakang operasyong isinasagawa ng 85th IBPA at 74th IBPA sa mga baranggay sa hangganan ng Lopez, Macalelon, Gumaca at General Luna sa lalawigan ng Quezon na nagsimula noong a-29 ng Enero, 2015.

Masugid silang naging tagasunod at tagapagpatupad ng mga kontra-mamamayang aktibidad sa ilalim ng Oplan Bayanihan.

Bilang mga operatibang paniktik ng kaaway, pangunahin nilang pinroyekto ang pagwasak sa mga base ng rebolusyunaryong kiliusan sa mga bayan ng Near South Quezon. Hindi iilang operasyong militar ng pasistang tropa ang sinamahan nila bilang paniktik at giya. Hindi rin mabilang na masa at sibilyan ang naging biktima ng kanilang pagkakanulo. Kapwa sila dating mga naging kasapi ng NPA na sumuko at nagpagamit sa kaaway.

Rebolusyunaryong Hustisya

Ang naganap na pamamarusa sa mga taksil na sina Ariel at Joel ay paggagawad ng rebolusyunaryong hustisya sa lahat ng mamamayang naging biktima ng kanilang mga kontra-rebolusyong trabaho.

Ipinagbubunyi ng mamamayan ang naganap na pamamarusa. Matagal at mahigpit na hinihingi ng mamamayan ang ganitong rebolusyunaryong hustisya.

Pagpapatunay din ito na ang iilang nabulok at nakipagtulungan sa kaaway ay hindi kailanman darami habang patuloy namang yumayabong ang mga binhi ng rebolusyon sa kabila ng desperadong atake ng pasismo ng estado sa hanay ng nakikibakang mamamayan.

Makakaasa ang mamamayan ng lalawigan ng Quezon sa mas marami pang matutunog at matatagumpay na taktikal na opensibang ilulunsad ng kanilang Bagong Hukbong Bayan ngayong 2015.

Mabuhay ang Apolonio Mendoza Command ng NPA!

http://www.philippinerevolution.net/statements/20150201_intel-operative-ng-85th-ibpa-inambus-ng-npa

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.