Isang elemento ng Special CAFGU Active Auxiliary ang napatay nang paputukan ng isang tim ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) ang nag-ooperasyong mga sundalo at paramilitar sa Kagahuman, San Luis, Malitbog, Bukidnon noong Oktubre 9, bandang alas-12 ng tanghali.
Noon namang Oktubre 11, bandang alas-5:30 ng hapon, pinaputukan ng isa pang tim ng BHB ang mga tropa ng 8th IB sa Sityo Calampigan, Kalabugao, Impasug-ong, Bukidnon kung saan napatay ang isang sundalo at nasugatan ang dalawang elemento ng CAFGU.
Ang mga tropa ng AFP ay nagpipilit maglunsad ng mga operasyong militar para iligtas ang dalawang sundalong dinakip ng BHB sa Impasug-ong noong Agosto 22 na sina Pfc. Marnel Cinches at Pfc. Jerrel Yorong. Nagpwesto pa ng dalawang 105-mm howitzer ang 8th IB sa Barangay Hagpa, Impasug-ong. Sa Palo, Hindangon, Gingoog City, patuloy din ang operasyong kombat ng 58th IB na nagpwesto rin ng dalawang howitzer sa lugar.
Mariing binatikos ng BHB ang nagpapatuloy na rescue operations. Sa halip, ang dapat ipatupad ng AFP ay Suspension of Offensive Military Operations o SOMO na siyang magbibigay-daan sa maayos at ligtas na pagpapalaya sa dalawang bihag.
[Ang Bayan is the official
news organ of the Communist Party of the Philippines
and is issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of
the Party as well as its analysis of and views on current issues. Ang
Bayan comes out fortnightly and is published in Pilipino, Bisaya, Ilokano,
Waray, Hiligaynon and English.]
http://www.philippinerevolution.net/publications/ang_bayan/20141021/operasyong-harasment-sa-bukidnon
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.