Luz del Mar
Spokesperson | NPA-Masbate (Jose Rapsing Command)
Bicol Regional Operational Command (Romulo Jallores Command)
New People's Army
July 11, 2024
Pinagkaitan ni Marcos at ng 2nd Infantry Battalion – Phil. Army ng kinabukasan ang mga kabataang magsasaka at magkapatid na sina Ronel Monsanto, 22 anyos at Robert Monsanto, 18 anyos sa kanilang lugar sa So. Laray, Barangay Aguho, bayan ng Esperanza noong Hulyo 8.
Nagpapastol ng alagang hayop ang magkapatid nang madaanan at mapagdiskitahan ng mga sabog-sa-drogang militar. Dinala ang mga biktima sa Barangay San Roque ng parehong bayan at pinalabas na mga NPA na napatay sa engkwentro.
Nakikidalamhati ang Jose Rapsing Command – Bagong Hukbong Bayan Masbate (JRC – BHB Masbate) sa pamilya’t mga kaanak ng magkapatid na Monsanto, laluna sa kanilang mga magulang. Tiyak na makakasama ninyo ang JRC – BHB Masbate sa laban para sa hustisya.
Tulad nila Ronel at Robert, marami pang kabataan ang nanganganib na mapagkaitan ng kinabukasan sa ilalim ng nagpapatuloy na paghaharing militar sa prubinsya.
Dapat na mabatid ng mga Masbatenyo ang kahayupang ito ng militar sa harap ng malawakang kampanya ng pagrerekrut sa mga kabataan na mag-Army. Sa likod ng mga palabas na pa-liga, ROTC, leadership training at iba pang pakana para linlangin ang kabataan na sumapi sa AFP ay ang katotohanang walang pinipiling biktima ang terorismo ng militar.
Sa pagpaslang kina Ronel at Robert, lalong nagiging malinaw para sa mga kapwa nila kabataang Masbatenyo na wasto at kailangang humawak ng armas. Para sa hustisya, lalo silang nahihikayat na lumahok sa rebolusyonaryong armadong pakikibaka at sumapi sa Bagong Hukbong Bayan.
Nananawagan ang Jose Rapsing Command – BHB Masbate sa mga kabataang Masbatenyo: Para kina Ronel at Robert at sa marami pang kabataang biktima ng abusong militar, sumapi sa NPA! Para sa buhay, katarungan, karapatan at kinabukasan, sumapi sa NPA!
Kaugnay nito, inaatasan ng pamprubinsyang kumand sa operasyon ng Bagong Hukbong Bayan – Masbate ang lahat ng mga yunit ng NPA na ibuhos lahat ng pagsisikap para sa nagpapatuloy na kampanya ng rebolusyonaryong hustisya para sa lahat ng biktima ng abusong militar sa prubinsya. Kabahagi nito ay ang paglulunsad ng mga taktikal na opensiba upang pagbayarin ang AFP-PNP-CAFGU sa kanilang mga krimen. Kasabay nito, nararapat na maglunsad ang kada yunit ng Hukbo ng mga kampanya para sa pagrerekluta sa mga kabataan na sumapi sa BHB.
https://philippinerevolution.nu/statements/hustisya-para-sa-mga-kabataang-sina-ronel-at-robert-monsanto-kabataan-sumapi-sa-bagong-hukbong-bayan/

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.