Gregorio Caraig
Spokesperson
NPA-Batangas (Eduardo Dagli Command)
Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command)
New People's Army
July 07, 2024
Pinagpupugayan ng buong rebolusyunaryong kilusan sa Batangas at ng New People’s Army-Eduardo Dagli Command ang tatlong kasamang Pulang mandirigma na nagbuwis ng kanilang buhay para sa masang api at pinagsasamantalahan. Ang tatlong martir ay pinaslang ng teror-pasistang 59th Infantry Batallion ng Philippine Army noong Hunyo 23, 2024 sa naganap na labanan sa hangganan ng mga barangay ng Bolbok at Dao, Tuy, Batangas.
Sa ilalim ng bandilang Pula ng armadong pakikibaka, itaas natin ang ating mga kamao at isigaw natin nang buong pagmamalaki ang kabayanihan nina Gladys Cassandra “Ka George” Mendoza, Jethro Royce “Ka Alex” Magtira, at Jian Markus “Ka Reb” Tayco.
Sina Ka George, Ka Alex, at Ka Reb ay mga rebolusyonaryong kabataang tinahak ang armadong paglaban sapagkat alam nilang tanging ang pagtatagumpay ng demokratikong rebolusyong bayan na may sosyalistang perspektiba ang gagarantiya sa maningning na kinabukasan para sa mga kabataang magsasaka, manggagawa at peti-burgesya. Sila’y mabubuting anak ng bayan na bagama’t hindi mga taal na Batangueño ay piniling iambag ang kanilang galing, talino at husay sa pagsusulong ng rebolusyon sa probinsya. Dapat silang ipagmalaki ng masang Batangueño sampu ng magigiting na martir ng rebolusyon sa Batangas!
Lubos ang pakikiramay ng Eduardo Dagli Command sa kanilang mga pamilya. Maraming salamat sa kanilang pagtanggap sa tinahak na landas ng kanilang butihing anak. Walang kapantay na sakit ang dinulot ng pagpaslang ng mga militar, pagpapabaya sa mga bangkay at lalong bigat pa ang kanilang naramdaman nang hanggang sa huli ay pinahirapan pa rin ng mga berdugong militar ang pamilya ng tatlong kasamang martir. Ayon sa ulat ng mga human rights organization, hindi kaagad ibinigay ang mga labi nina Ka Alex at Ka Reb dahil sa ginawang delaying tactics ng PNP-Tuy at 59th IBPA, interogasyon at intimidasyon sa pamilyang Magtira at Tayco. Liban dito, hinaras at tinakot rin ng mga militar at pulis ang mga makataong grupong sumama at tumulong sa pamilya nina Ka Alex at Reb.
Ang parehong takot na naramdaman ng dalawang pamilya ang mismong tumatak sa pamilya ni Gladys Cassandra “Ka George” Mendoza. Hindi nila naiuwi ang mga labi ng mahal nilang si Ka George. Kung kaya, pinagsikapin ng humanitarian team na madala siya sa kanyang libingan at mabigyan ng parangal at pagdakila.
Naghuhugas ng kanilang duguang kamay ang kasundaluhan ng 59th IBPA at PNP-Tuy sa kanilang ginawang palabas na paghahatid kay Ka George. Imbes na agwatan ang mapayapang programa ng paghahatid sa huling pahingahan ng kasama, pumapel pa rito ang mga sundalo at pulis para lamang makalikha ng isang palabas na makapagpapabango sa kanilang mabahong pangalan. Paano nila masasabing maayos at makatao ang kanilang ginawa kung sila naman mismo ang pumaslang sa kanya? Kung sila mismo ang nananakot sa kaniyang pamilya na nais sanang maiuwi ang kaniyang mga labi? Buhay man o patay ang mga rebolusyonaryo’t mamamayan ay hindi marunong gumalang sa internasyunal na makataong batas ang berdugong 59th IBPA at ng mga PNP-Tuy!
Sa video na kanilang inupload sa Facebook, makikita na mga sundalo at pulis ang nagbuhat ng kaniyang kabaong upang pilit palabasing mayroon silang katiting na pagpapahalaga sa kalagayan ni Ka George. Sa totoong buhay, hinarurot ng mga asal-hayop na mga sundalong ito ang kanilang 6×6 na trak at nilampasan ang sasakyan ng humanitarian team upang mauna silang makarating sa sementeryo at hanggang sa huling saglit ay nakawin muli ang mga labi ni Ka George.
Gaanuman pumostura, walang kredibilidad na maaangkin ang 59th IBPA at PNP-Batangas. Ganitong-ganito rin ang ginawa nila sa anim na Pulang madirigma at dalawang sibilyan na kanilang pinaslang sa Barangay Malalay, Balayan noong Disyembre 17, 2023. Matapos marekober ang mga bangkay, sinadyang ibilad sa araw nang mahabang oras; at hinayaang umabot sa paglobo at pagkaagnas ang katawan ng mga kasama. Ang isa sa dalawang sibilyang babaeng kanilang pinaslang ay nakababa ang pantalon hanggang hita, tanda ng kahalayan at kabastusan ng mga manyakis na 59th IBPA. ITO AY MALINAW AT PAULIT-ULIT NA PAGLABAG SA SEKSYON 4 NG ARTIKULO 3 NG IKAAPAT NA BAHAGI NG COMPREHENSIVE AGREEMENT ON RESPECT FOR HUMAN RIGHTS AND INTERNATIONAL HUMANITARIAN LAW o CARHRIHL! Isinasaad dito na ipinagbabawal ang desekrasyon o paglapastangan sa mga labi ng mga namatay sa proseso ng armadong labanan o habang nakabilanggo, at hindi pagtupad sa tungkuling kaagad na ibigay ang mga labi ng namatay sa kanilang pamilya o bigyan sila ng disenteng libing.
Tinatakot rin at sapilitang pinalikas ng mga berdugong militar ang mamamayan ng mga barangay Bolbok, Acle at ang karatig na Dao sa Tuy para sa kanilang pursuit operations. Pinuwersa rin ng 59th IBPA na maglunsad ng gawa-gawang rally laban sa NPA dahil sa banta nilang “reresbak” daw ang mga pwersa ng NPA sa komunidad. Sa haba na ng pakikibaka ng NPA at rebolusyonaryong kilusan sa probinsya sa pamumuno ng Communist Party of the Philippines, malinaw sa isip at diwa ng masang Batangueño na hindi ganoon ang NPA, na kanilang tunay na hukbo at tanging masasaligan sa pagsusulong ng kanilang interes at kapakanan. Malayong-malayo ito sa kasinungalingang ipinipinta ng 59th IBPA na mga pusakal na kriminal at tagapagtanggol ng mga naghaharing-uri sa probinsya at buong bansa.
Makakaasa ang mamamayan sa NPA-Batangas na aabutin ng mahabang kamay ng rebolusyonaryong hustisya ang mga kapural sa pagkamatay ng mga mahal na kasama, at sa lahat ng kaapihang dinaranas ng mamamayang Batangueño!
Hustisya para sa Bolbok 3! Dakilain sina Ka George, Ka Alex at Ka Reb!
Kabataan, lumahok sa Digmang Bayan!
Sumapi sa NPA!
https://philippinerevolution.nu/statements/hindi-pagmamalasakit-kundi-kalapastanganan-sa-katawan-ng-tatlong-pulang-mandirigma-ng-npa-batangas-ang-ginawa-ng-59th-ibpa-at-pnp-hinding-hindi-malilinis-ang-duguang-kamay-ng-pasista-teroristang-arma/

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.