Carlito Cada
Spokesperson
NPA-Camarines Norte (Armando Catapia Command)
Bicol Regional Operational Command (Romulo Jallores Command)
New People's Army
July 21, 2023
July 12, 2023 | Aktibong nakadepensa ang yunit ng Armando Catapia Command-New People’s Army laban sa 9th Infantry Battalion ng Armed Forces of the Philippines noong Hulyo 8, alas-singko ng umaga sa Barangay Sta.Cruz, bayan ng Jose Panganiban. Ang yunit ng ACC-NPA ay nasa lugar para maglunsad ng panlipunang pagsisiyasat sa kasalukuyang kalagayan ng mamamayan sa baryo nang tangkaing kubkubin ng sundalo ng 9IB.
Ayon sa nakalap na ulat sa lugar, namataan ng mga residente sa lugar ang limang itim na body bag na inilabas sa barangay habang mayroon pang mga sugatan sa hanay ng AFP. Walang kaswalti at ligtas na nakaatras ang yunit ng NPA na napalaban.
Sa kasalukuyan, pinagbabawalan ang mga residente na pumunta sa kanilang mga lupa na nagdudulot ng perwisyo at abala sa kanilang paghahanapbuhay. Ayon kay Ka Carlito Cada, pinagkakaitan ng pagkakakitaan at kabuhayan ang taumbayan habang nagsasayang ng milyon-milyong pondo ang AFP sa tuloy-tuloy nitong operasyong militar at terorismo sa mamamayan.
Dagdag pa, napaulat na gumagamit ng booby trap ang militar sa mga bundok at gubat ng Jose Panganiban. Mariing kinundena ni Ka Carlito Cada ang kawalang pananagutan at paglabag ng AFP sa internasyunal na batas ng digma.
“Ang paggamit ng 9IBPA ng booby trap ay lubhang mapanganib sa mamamayan dahil walang pinipili ang pwedeng mapinsala nito na kaiba sa command-detonated explosives ng NPA na ginagamit lamang kapag may tiyak na target.
Nananawagan ang ACC-NPA sa mamamayan ng Camarines Norte na ilantad at labanan ang lahat ng kaso ng karahasang militar sa kanayunan
sa pamamagitan ng pagpapahayag ng pangyayari sa mga radyo, telebisyon, dyaryo para likhain ang opinyong-publiko.
“Hinahamon namin ang mga lingkod-bayan na tupdin ang kanilang tungkulin na protektahan ang mamamayan laban sa abuso at paglabag sa karapatang pantao ng AFP-PNP-CAFGU. Napapanahon ang nalalapit na halalan sa darating na Oktubre 2023 upang dalhin ng mga lokal na pulitiko ang platapormang hustisya para sa lahat ng biktima ng militarisasyon sa kanayunan,” pagtatapos ng tagapagsalita ng ACC-NPA. #
https://philippinerevolution.nu/statements/atake-ng-9ibpa-binigo-ng-npa/
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.