Monday, July 24, 2023

CPP/Ang Bayan: Operasyong haras at demolisyon, inilunsad ng BHB

Propaganda article from the Tagalog language edition of Ang Bayan posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Philippine Revolution Web Central (PRWC) Website (Jul 21, 2023): Operasyong haras at demolisyon, inilunsad ng BHB (Operation haras and demolition, launched by the NPA)
 





July 21, 2023

Magkakasunod na operasyong harasment at demolisyon ang inilunsad ng mga yunit ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) sa nakaraang dalawang linggo.

Sa Barangay Das-agan, San Francisco, Agusan del Sur noong Hunyo 27, pinaputukan ng mga Pulang mandirigma ang nag-ooperasyong tropa ng 41st Division Reconnaissance Company bandang alas-4:30 ng hapon. Isang sundalo ang napatay sa naturang operasyon.

Napalayas naman ng BHB-Sorsogon ang mga sundalong tatlong linggo nang nagkakampo sa evacuation center at kapilya ng Barangay Calpi, Bulan, Sorsogon nang paputukan nito ang mga sundalo noong Hulyo 6 bandang 8:30 ng gabi. Sa takot ay nagsitakbuhan ang mga sundalo at nagsisukob sa kalapit na kabahayan. Ginawa nilang pananggalang ang mga sibilyan at walang habas na nagpaputok sa kung saan-saang direksyon. Nasundan ang operasyong haras na ito ng pagpapasabog ng isa pang yunit ng BHB sa bakod ng kampo ng 22nd IB sa Barangay Calmayon, Juban noong Hulyo 10.

Isang elemento naman ng CAFGU ang napatay nang paputukan ng BHB-North Central Mindanao sa Barangay Lawaan, Gingoog City, Misamis Oriental noong Hulyo 7. Nakumpiska sa kanya ang isang .45 kalibreng baril.

[Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines and is issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and views on current issues. Ang Bayan comes out fortnightly and is published in Pilipino, Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.]

https://philippinerevolution.nu/2023/07/21/operasyong-haras-at-demolisyon-inilunsad-ng-bhb/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.