Monday, July 24, 2023

CPP/NDF-Mindoro: Serye ng Panibagong kaso ng karahasan sa mga Mangyan sa Mindoro ng 203rd Brigade-PNP-MIMAROPA, umaani ng galit at paglaban ng mga katutubo’t mamamayan!

Propaganda statement posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Philippine Revolution Web Central (PRWC) Website (Jul 23, 2023): Serye ng Panibagong kaso ng karahasan sa mga Mangyan sa Mindoro ng 203rd Brigade-PNP-MIMAROPA, umaani ng galit at paglaban ng mga katutubo’t mamamayan! (Series of new cases of violence against the Mangyans in Mindoro by the 203rd Brigade-PNP-MIMAROPA, reaping the anger and resistance of the natives and citizens!)
 


Ma. Patricia Andal
Spokesperson
NDF-Mindoro
National Democratic Front of the Philippines

July 23, 2023

Ikinagagalit ng mga katutubong Mangyan at sambayanang Mindoreño ang walang tigil na mga operasyong militar ng 203rd Bde-PNP-MIMAROPA sa kanilang mga pamayanan at ang kaakibat nitong mga kaso ng karahasang militar sa mga sibilyan sa isla ng Mindoro. Sa ngalan ng kontra-insurhensya, mga sibilyan ang pangunahing biktima ng mapaminsalang operasyong FMO at RCSPO ng mga sundalo’t pulis. Dapat na panagutin ang buong Regional Task Force to End Local Communist Armed Conflict-MIMAROPA (RTF-ELCAC), kasama ang teroristang 203rd Bde-PNP-MIMAROPA sa mga krimen nito sa mga Mindoreño.

Dinukot, binugbog, tinortyur at iligal na bininbin si G. Pedro Ambad, isang Hanunuo-Mangyan sa Sityo Kilapnit, Barangay Panaytayan, Mansalay, Oriental Mindoro noong katanghalian ng Hulyo 13 sa kanyang bukid, sa panahon ng operasyon ng hayok-sa-dugong 4th IB, Philippine Army. Piniringan, binusalan, at kinaladkad ng mga ito ang biktima sa isang lugar bago walang habas na binugbog habang paulit-ulit na tinatanong kung nasaan ang mga ipinatagong armas ng NPA sa kanilang lugar. Inalpasan lamang ito ng hatinggabi ng Hulyo 14, matapos ang 12 oras na tortyur. Bali ang tadyang ng biktima dahil dito. Matapos ang insidente, hinadlangan din mismo ng mga sundalo na maghabla sa barangay o makakuha ng serbisyong medikal ang biktima na naghahangad ng hustisya sa kanyang sinapit. Pinasinungalingan pa ng mga sundalo na ang nambugbog sa biktima ay mga NPA kung kaya’t hindi na dapat iulat pa sa lokal na pamahalaan. Kasunod nito, iligal namang pinasok ang bahay at pinagtangkaang dukutin si G. Admiraw Ambad noong gabi ng Linggo, Hulyo 16. Nagkataon lamang na nasa kapitbahay siya ng panahong iyon at wala sa kanyang pamamahay. Dahil sa takot, lumikas ang hindi bababa sa limang pamilya na mayroong 15 katao sa iba’t-ibang lugar. Apektado ang kabuhayan maging ang pag-aaral ng mga bata dahil dito.

Nauna pa dito, noong Mayo 23, apat na katutubong Buhid naman na mula sa Barangay Manoot, Rizal, Occidental Mindoro ang hinuli sa tsekpoynt, iligal na inaresto at sapilitang dinala sa kampo ng Murtha ng mga elemento ng 68IB. Habang nasa kampo, isinailalim ang mga katutubo sa iligal na interogasyon at toryur. Kinabukasan, isinama sila sa operasyon sa Barangay Manoot upang diumano ay hulihin ang mga NPA. Ngunit sibilyan ang kanilang hinuli at matapos hulihin ay sapilitang iginiya at matapos ay walang awang palit-palitang binugbog ng pasistang pwersa. Kinaladkad din ang isa pang katutubong Buhid na nasabat nila sa daan habang binubugbog ang isa pang biktima. Binitbit nila ito sa masukal na lugar habang tuluy-tuloy na tinortyur at sinaktan.

Ipinakikita ng mga insidenteng ito ng karahasan at paglabag sa karapatang pantao ang desperasyon ng 203rd Bde at PNP MIMAROPA sa kanilang programa sa kontra-insurhensya na ang karaniwang biktima ay mga sibilyan. Sa pagtagal ng operasyon sa mga nasabing lugar, tiyak na buong komunidad ang isasaklot sa teror, pandarahas, at panlilinlang alinsunod sa hibang na pangarap na makamit ang “paglilinis” sa mga “focus barangay” sa ilalim ng RCSPO. Ang Barangay Panaytayan, Mansalay at Barangay. Manoot, Rizal ay dalawa sa mga barangay na itinakdang prayoridad sa programang kontra-insurhensya sa ilalim ng NTF-ELCAC ng rehimeng Rodrigo Duterte. Nagpapatuloy ang tutok na ito hanggang sa kasalukuyang rehimeng Marcos-Duterte.

Matagal nang lantad sa mga Mindoreño ang karahasan at mapanlinlang na katangian ng FMO at RCSPO. Matatandaang higit 126,000 mamamayang pininsala ng FMO at RCSPO sa anim na taong panunungkulan ng kriminal na rehimeng US-Duterte. Kabilang dito ang 40,348 biktima mula sa 15 pamayanan na nilukuban ng RCSPO sa Occidental at Oriental Mindoro nang ginawang kampo-militar ito ng berdugong 203rd Bde at PNP-MIMAROPA. Sa pagpapatuloy naman ng papet, pahirap at pasistang rehimeng US-Marcos II sa programa ng NTF-ELCAC, sumahol ang kalagayan ng mga komunidad sa kapatagan at kabundukan sa isla. Katunayan, sa unang taon ng ilehitimong rehimen, hindi bababa sa 55,000 sibilyan ang biniktima nito sa kanyang hibang na kampanyang supresyon at panunupil.

Walang ibang dapat panagutin sa mga krimeng ito kundi ang AFP-PNP-MIMAROPA, partikular si BGen. Randolph Cabangbang ng 203rd Brigade at Police General Joel Doria ng PNP-MIMAROPA. Tigmak sa dugo ng mga inosenteng sibilyan ang kamay ng sundalo at pulis sa hibang na kampanyang supilin ang rebolusyonaryong kilusan sa isla. Hindi rin dapat iabswelto ang pinuno ng RTF-ELCAC sa katauhan ni Alfonso Cusi at Gobernador Humerlito ‘Bonz’ Dolor na tumatayong pinuno ng PTF-ELCAC sa Oriental Mindoro bilang mga kasabwat sa pamamayagpag ng terorismo ng RCSPO at FMO sa buong isla. Sa kanilang aktibong pagpapakasangkapan sa ELCAC, kabilang sila sa may pananagutan sa pag-iral ng kultura ng impunity o kawalang-pananagutan ng mga pasista na siyang nagsasapanganib ng buhay at seguridad ng milyong mamamayang Mindoreño.

Lalo lamang nitong ginagatungan ang paglaban ng mga Mindoreño. Pinatutunayan nito na walang masusulingan ang aping mamamayan kundi ang sama-samang pagdepensa at paglaban. Dapat lang na magkaisa ang mga mamamayan sa paglalantad ng pasismo at tunay na mukha ng FMO-RCSPO. Dapat paglingkurin ang galit ng mamamayan sa kongkretong aksyon, paniningil, at pagpapanagot sa humahabang lista ng pang-aabuso sa mga sibilyan.

Dapat na buuin ang malapad at militanteng alyansang kontra-pasista na magtatambol sa sitwasyon ng karapatang pantao sa buong isla. Organisahin ang buong pamayanan upang palayasin ang mga sundalong nagkakampo sa lugar. Kabigin ang lahat ng sektor na kumikilala at kaisa sa kampanya para itaguyod ang karapatang pantao. Dapat na puspusang lumaban ang mamamayang Mindoreño upang salagin ang patuloy na atake ng pasistang estado.

Pinakamahalaga, dapat paglingkurin ang lahat ng pagsusumikap na ito sa paglakas ng rebolusyonaryong kilusan sa isla. Ang magkatuwang na paglakas ng rebolusyonaryong paglaban ng mamamayan at ang armadong pakikibaka ng Bagong Hukbong Bayan ang magtitiyak sa lahatang panig na paglaban. Kaakibat nito ang pagpupunyagi na isulong ang demokratikong rebolusyong bayan na may sosyalistang perspektiba. Ito lamang ang wawakas sa nagpapatuloy na siklo na pasismo at karahasan ng nabubulok na reaksyunaryong estado, at tutupok sa lumang nagnanaknak na lipunan upang halinhan ng panibagong makatarungang gubyerno ng mamamayan.

Panagutin ang AFP-PNP-MIMAROPA at RTF-ELCAC sa kasalanan nito sa mamamayang Mindoreño!
Palayasin ang sundalo at pulis sa mga komunidad!
Digmang bayan, sagot sa terorismo ng estado!
Mamamayang api, mag-armas! Sumapi sa New People’s Army!

https://philippinerevolution.nu/statements/serye-ng-panibagong-kaso-ng-karahasan-sa-mga-mangyan-sa-mindoro-ng-203rd-brigade-pnp-mimaropa-umaani-ng-galit-at-paglaban-ng-mga-katutubot-mamamayan/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.