Monday, July 24, 2023

CPP/Ang Bayan: 501st IBde, salot sa mamamayan ng Cagayan

Propaganda article from the Tagalog language edition of Ang Bayan posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Philippine Revolution Web Central (PRWC) Website (Jul 21, 2023): 501st IBde, salot sa mamamayan ng Cagayan (501st IBde, plague to the people of Cagayan)
 





July 21, 2023

Pinasinungalingan kamakailan ng National Democratic Front (NDF)-Cagayan ang pinalalabas ng 501st IBde na mga “tagumpay” laban sa rebolusyonaryong kilusan sa rehiyon sa unang hati ng 2023. Anito, malawak na kapahamakan sa mamamayan ang dala ng ipinagmamalaking mga tropeyo ng brigada. Ang mga ito’y nakamit sa pamamagitan ng dahas, paggamit ng kamay na bakal at paghahasik ng takot at ligalig sa masang magsasaka at minorya sa kanayunan.

Pinakahuli sa matitinding paglabag sa karapatang-tao ng brigada ang pangunguna nito sa focus military operation mula Pebrero hanggang Mayo ngayong taon. Sa kumpas ng 5th ID at Task Force Tala, dinumog nito ang East Cagayan gamit ang 2,000 pinagsanib na pwersang militar, paramilitar at pulis.

Layunin ng operasyon ang “ubusin” ang “natitirang Pulang mandirigma” sa prubinsya sa unang hati ng taon. Bahagi ito ng di maabot-abot na target ng bulok na estado na pabagsakin ang rebolusyonaryong kilusan, gayundin bilang suportang panseguridad sa Balikatan 2023, ang pinakamalaking war game na inilunsad noong unang kwarto ng taon. Bahagi din ito ng estratehiya para gawing lunsaran ng gera ng US ang Northeast Luzon at tuluyang isubo ang bansa sa pinaghahandaan nitong gera laban sa China. Dobleng kapahamakan ang tiyak na matatamo ng mamamayan sa Cagayan na posibleng unang tatanggap sa ganting atake ng China.

Pangunahing ibinuhos ang pwersang militar sa bayan ng Baggao kung saan may militanteng pagkilos ang masa laban sa usura, gayundin sa mga laylayan ng Northeast Cagayan kung saan itatayo ang sinasabing radar base ng US sa ilalim ng Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA). Ginamit ang mga batalyon ng 501st IBde sa paghahasik ng lagim sa mga bayan ng Lal-lo, Buguey, Sta. Teresita, Gonzaga at Sta. Ana.

Sa loob ng tatlong buwan, hindi bababa sa 30 bomba, rocket at kanyon ang pinakawalan malapit sa mga komunidad at sakahan. Nagresulta ito sa pagkawasak sa kabuhayan ng mga mamamayan at takot lalo na sa mga bata at matatanda na hindi na nakatutulog dulot ng troma.

Sa panahon ding ito idineklara ng 501st IBde at Provincial Task Force-Elcac sa Cagayan ang “pagsurender” ng 21 personahe at diumano’y pagsuko nila ng mga armas. Pinasubalian ito ng NDF-Cagayan at sinabing sa 21 na “sumurender”, lima ang deklaradong nadakip, lima ang recycled o taon nang wala sa hukbo pero paulit-ulit pa ring ipinaparada. Ang iba pa ay tinugis kahit hindi na sila bahagi ng armadong sigalot at sa gayon ay dapat nang ituring na mga sibilyan sa ilalim ng internasyunal na makataong batas. Mayorya sa kanila ay dumanas ng pambabanta at panggigipit, habang ang iba ay tahasang niloko, para pwersahing “sumurender” kahit hindi na sila bahagi ng hukbong bayan.

Noong Abril 2022, sadyang pinatay ng mga elemento ng brigada sina Saturnino Agunoy (Ka Peping) at dalawang medik na sina Augusto Gayagas (Ka Val) at Mark Canta (Ka Uno) sa kahabaan ng kalsada ng Piat, Cagayan. Di armado at wala sa katayuang lumaban ang tatlo, laluna ang dalawang senior citizen na sina Agunoy at Gayagas.

Saan galing ang 501st IBde?

Ipinakat ang muling-tatag na 501st IBde sa prubinsya ng Cagayan at katabing Apayao noong Oktubre 2020 matapos ang anim na buwang pagsasanay. Ayon mismo sa 5th ID, ang dibisyong kinabibilangan ng brigada, pangunahing layunin ng muling pagpapagana sa brigada ang “makipag-ugnayan sa mga lokal na gubyero at ahensya sa dalawang prubinsya na kaugnayan ng National Task Force-Elcac at pagwawakas sa insurhensya.” Ang hedkwarters ng brigada ay nasa bayan ng Lal-lo sa Cagayan, isa sa inangkin ng US bilang “lokasyong EDCA.”

Nasa ilalim ng kontrol ng brigada ang 17th IB at 77th IB, mga batalyong nagsilbing pwersang pangkombat sa Mindanao. Kasalukuyan itong pinamumunuan ni BGen. Ferdinand Melchor C. dela Cruz bilang kumander. Itinalaga si dela Cruz sa pwesto noong Pebrero 23 at noong Hulyo 3 ay tumanggap ng promosyon kasama ang 15 iba pang heneral. Si dela Cruz ay bahagi ng Philippine Military Academy Tanglaw-Diwa Class of 1992 at dati nang nagsilbi sa 5th ID bilang upisyal paniktik nito.

[Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines and is issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and views on current issues. Ang Bayan comes out fortnightly and is published in Pilipino, Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.]

https://philippinerevolution.nu/2023/07/21/501st-ibde-salot-sa-mamamayan-ng-cagayan/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.