Monday, July 24, 2023

CPP/Ang Bayan: Pamamayagpag ng militar ng US sa ilalim ng papet na rehimeng Marcos

Propaganda article from the Tagalog language edition of Ang Bayan posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Philippine Revolution Web Central (PRWC) Website (Jul 21, 2023): Pamamayagpag ng militar ng US sa ilalim ng papet na rehimeng Marcos (US military expansion under the Marcos puppet regime)


Ang artikulong ito ay may salin sa Bisaya




July 21, 2023

Sa harap ng pamamayagpag ng ilanlibong mga tropang Amerikano, dala ang kanilang dambuhalang mga barko de gera, eroplanong pandigma, mga kanyon at samutsaring sandata, tumitingkad lalo ang kawalan ng tunay na kasarinlan ng Pilipinas at mababang pagtrato sa bansa bilang malaking base militar ng US.

Habang nasa Pilipinas, tumatamasa ang mga sundalong Amerikano ng mga karapatang ekstrateritoryal at espesyal na pribilehiyo, kadalasa’y higit pa sa karaniwang mga Pilipino. Ibinigay ito sa kanila sa ilalim ng Visiting Forces Agreement (VFA) at ng Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA), mga tagibang na kasunduang pabor sa US.

Sa ilalim ng EDCA, binigyan ang US ng malalawak na “pinagkasunduang lokasyon” sa loob ng mga kampo militar ng AFP, para gamiting ekslusibong pasilidad at base militar. Ginagamit ito ng US na daungan, paliparan, imbakan ng krudo, tirahan ng mga tauhan, imbakan ng mga sandata, sasakyan at iba pang kagamitang pandigma. Ipinagagamit ang lupaing ito sa US “nang walang upa o katulad na kabayaran.”

May absolutong kontrol ang militar ng US sa mga lokasyong ito hanggang ang mga ito ay “hindi na kailangan ng United States,” nangangahulugang kahit hanggang kailan nito gusto at kailangang gamitin ang mga lokasyong ito. Walang soberanya o awtoridad ang Pilipinas sa mga base militar at pasilidad ng US. Hindi ito pwedeng pasukin o inspeksyunin liban na lamang sa mga paraang aprubado (o sinang-ayunan) ng US.

Pinagkakalooban din ang US ng karapatang gumamit anumang oras ng pampublikong lupain at pasilidad tulad ng mga daanan, daungan at paliparan, laluna kung naglilipat-lipat o nagpapakat sila ng mga kagamitan. Taliwas sa mga batas ng Pilipinas, ibinigay din sa US ang karapatan na magtatag ng sariling sistema ng telekomunikasyon at gamitin ang “lahat ng kinakailangang spectrum sa radyo” na walang bayad, isang karapatan na wala ang karaniwang mga Pilipino. Dagdag pa, sa ilalim ng EDCA, binigyang pribilehiyo ang US na gumamit ng tubig, kuryente at iba pang yutilidad na katumbas ang singil sa gubyerno ng Pilipinas, na mas mababa sa bayarin ng karaniwang Pilipino.

Hindi inoobliga ng kasunduan ang US na magbayad para sa kahit anong pagkawasak sa kalikasan na maaaring idulot ng pagtatapon ng nakalalason o delikadong mga materyal. Maaalala na noong katapusan ng 1992, iniwan ng US ang Clark Air Base at Subic Naval Base nang hindi nilinis ang kanilang mga basura na lumason sa mga bukal at tubig dagat at mga lamang-dagat.

Habang nasa Pilipinas, ang mga sundalong Amerikano ay tumatamasa ng espesyal na katayuang ligal. Liban kung hihingin, hindi sila saklaw ng mga batas kriminal o sibil ng Pilipinas sa panahong nakatigil sila sa bansa. Sa nagdaang 25 taon, ang mga sundalong Amerikano na nasangkot sa mga kasong kriminal (pagpatay, panggagahasa, pambubugbog, pamamaril at iba pa) ay hindi hinuli, inasunto o pinaharap sa korte, bagkus ay mabilis na pinatatalilis. Kahit sa dalawang tampok na kaso ng Subic Rape Case at pagpatay kay Jennifer Laude, ang mga sundalong Amerikano na napatunayang may sala ay pinalusot at pinauwi sa US.

Ngayong 2023, hindi bababa sa 500 war games—mga ehersisyong militar na paghahanda sa digmaan—ang isasagawa ng US sa Pilipinas. Ibig sabihin, araw-araw sa buong taon, may mga sundalong Amerikano sa Pilipinas para mang-udyok at manulsol ng gera. Kabilang dito ang ehersisyong Balikatan noong Abril, na pinakamalaki sa kasaysayan, kung saan dinumog ng 12,600 tropang Amerikano ang hilagang bahagi ng Luzon para magpakitang-gilas sa China. Kabi-kabila ang pagpapalipad ng mga jet fighter at helikopter ng US, paglalayag sa mga karagatan, pati na ang pagpapalipad ng mga misayl at paghuhulog ng bomba na gumagambala sa kapayapaan at sumisira sa kalikasan. Ginagamit ang mga “magkasanib na ehersisyo” para tiyaking makokontrol nito ang Armed Forces of the Philippines (AFP) (tinatawag ng US na “interoperability”) sakaling sumiklab ang gera. Itinutulak ang “modernisasyon” ng AFP para bumili ng ilampung bilyong pisong sarplas, gamit o pinaglumaang mga sandata ng US.

Habang nangyuyurak at naghahari-harian sa lupa, himpapawid at karagatan, ang malaking presensya ng mga sundalong Amerikano ay pinalalabas na tanda ng “balot-sa-bakal na pagkakaibigan” ng US at Pilipinas. Malaking kabalintunaan ang sinasabing nasa Pilipinas ang US para ipagtanggol sa higanteng China. Ang totoo, sariling interes ang ipinagtatanggol ng US, katulad na sariling interes rin ang dahilang sinaklot at sinakop ang Pilipinas nang kalahating siglo, at ginawang malakolonya simula 1946 na pinaghaharian ng mga sunud-sunurang burukrata.

Ang presensya ng US sa Pilipinas ay bahagi ng estratehiya nito na palibutan ang karibal nitong imperyalistang China at pigilan ang lalong paglago ng kapangyarihan nito sa militar at ekonomya. Tuluy-tuloy na pinalalaki ng US ang pwersang militar nito sa East Asia, Southeast Asia hanggang sa Pacific islands, maging sa India, habang inuudyok at iniipit ang mga alyadong militar (kabilang ang Japan, Australia, hanggang sa United Kingdom) nito na sumanib sa mga operasyong nabal sa South China Sea sa tabing ng “freedom of navigation.” Para sa US at sa estratehiyang heopulitikal at pangmilitar, ang Pilipinas ay isang mahalagang himpilan dahil sa lapit nito sa China. Para naman sa China, ang presensya ng mga pwersang militar ng US sa Pilipinas ay tinitingnan na banta sa kanyang seguridad at tiyak na magiging target ng armadong pag-atake oras na gamitin ng US na lunsaran ng gera laban sa China.

Ang pagbibigay daan sa papalaking presensya sa Pilipinas ay ginamit ng gubyernong Biden ng US na kundisyon para sa pagpapalaki ng pautang, pamumuhunan pati na ayudang militar na desperadong hiningi ng rehimeng Marcos sa dalawang ulit na pagbisita sa US. Kapalit ng tahasang pagsusuko ng teritoryo sa US at pagpahintulot na gamitin ang bansa bilang base militar at lunsaran ng gera ng US, sabay-sabay na inaprubahan ng World Bank nitong Hunyo ang apat na pakete ng pautang na umaabot sa $1.14 bilyon, upang punuan ang labis na kakulangan sa badyet ng rehimeng Marcos. Ginagamit ngayon ang mga pautang para itulak ang mga patakaran sa ekonomya para ibayong palawakin ang interes ng dayuhang mga kapitalista at mga kasosyong burgesyang komprador at panginoong maylupa, sa kapinsalaan ng kabuhayan ng masang anakpawis at mga karaniwang Pilipino.

Sa ilalim ng papet na rehimeng Marcos, lalupang lumulubha ang katayuan ng Pilipinas bilang bansang malakolonya ng US na walang tunay na kalayaan. Ang kontrol at dominasyon ng US sa Pilipinas sa mahigit nang 125 taon ang pinakaugat kung bakit ang bansa ay subsob sa krisis, atrasado, agraryo, hindi industriyalisado at hindi nakatatayo sa sariling paa. Lalong mahigpit ngayong ginagamit ng US ang dominasyon nito sa pulitika, ekonomya, militar at kultura upang isulong ang interes nito sa Pilipinas at sa buong rehiyon ng Asia.

Dapat ipaglaban ng mamamayang Pilipino ang pagbabasura sa EDCA, sa VFA, sa Mutual Defense Treaty at lahat ng iba pang hindi patas na kasunduang militar sa US. Walang tunay na soberanya ang Pilipinas hangga’t kinukubabawan ito ng kapangyarihang militar ng US. Dapat makibaka ang sambayanan upang palayain ang Pilipinas mula sa kontrol ng US at paunlarin ang nagsasariling kakayahan ng bansa na ipagtanggol ang sarili. Matatamo lamang ito kung ang Pilipinas ay mayroong tunay na kasarinlang pang-ekonomya at pampulitika at ganap na pambansang kalayaan.


ENGLISH TRANSLATION: US military expansion under the Marcos puppet regime

In the face of the arrival of thousands of American troops, with their gigantic warships, warplanes, cannons and various weapons, the lack of true independence of the Philippines and the low treatment of the country as a large US military base become even more apparent.

While in the Philippines, American soldiers enjoy extraterritorial rights and special privileges, often more than ordinary Filipinos. It was given to them under the Visiting Forces Agreement (VFA) and the Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA), lopsided agreements in favor of the US.

Under the EDCA, the US was granted extensive “agreement locations” within AFP military camps, for exclusive use as military facilities and bases. It is used by the US as a port, airport, crude oil storage, personnel accommodation, storage of weapons, vehicles and other war equipment. This land is being used in the US “without rent or similar compensation.”

The US military has absolute control over these locations until they are “no longer needed by the United States,” meaning however long it wants and needs to use these locations. The Philippines has no sovereignty or authority over US military bases and facilities. It cannot be entered or inspected except by means approved (or agreed to) by the US.

The US is also granted the right to use public land and facilities such as roads, ports and airports at any time, especially if they are moving or deploying equipment. Contrary to Philippine laws, the US was also given the right to establish its own telecommunications system and use “all necessary radio spectrum” free of charge, a right that ordinary Filipinos do not have. In addition, under the EDCA, the US was given the privilege to use water, electricity and other utilities at an equivalent charge to the Philippine government, which is lower than the average Filipino's bill.

The treaty does not obligate the US to pay for any environmental damage that may be caused by the disposal of toxic or hazardous materials. It will be recalled that at the end of 1992, the US left the Clark Air Base and Subic Naval Base without cleaning up their waste that poisoned springs and seawater and lagoons.

While in the Philippines, American soldiers enjoy special legal status. Unless requested, they are not covered by the criminal or civil laws of the Philippines during their stay in the country. In the past 25 years, American soldiers who have been involved in criminal cases (murder, rape, beating, shooting and others) have not been arrested, brought to court or brought before the court, but are quickly eliminated. Even in the two prominent cases of the Subic Rape Case and the murder of Jennifer Laude, the American soldiers who were found guilty were smuggled out and sent back to the US.

This 2023, at least 500 war games—military exercises that prepare for war—will be conducted by the US in the Philippines. That means, every day throughout the year, there are American soldiers in the Philippines incite war. This included the Balikatan exercise in April, the largest in history, where 12,600 American troops swarmed the northern part of Luzon to show off China. Flying US jet fighters and helicopters, sailing the oceans, as well as launching missiles and dropping bombs that disrupts peace and destroys nature. "Joint exercises" are used to ensure that it can control the Armed Forces of the Philippines (AFP) (what the US calls "interoperability") should war break out. Pushing the "modernization" of the AFP to buy tens of billions of pesos in sarplus, used or obsolete US weapons.

While trampling and reigning in the land, air and sea, the large presence of American soldiers is shown as a sign of the "iron-clad friendship" between the US and the Philippines. It is a big irony that the US is said to be in the Philippines to defend against the giant China. The truth is, the US is defending its own interests, just as its own interests are the reason why the Philippines was surrounded and occupied for half a century, and turned into a semi-colony since 1946 ruled by submissive bureaucrats.

The presence of the US in the Philippines is part of its strategy to surround its rival imperialist China and prevent the further growth of its military and economic power. The US is constantly increasing its military forces in East Asia, Southeast Asia to the Pacific islands, even in India, while encouraging and pressuring its military allies (including Japan, Australia, and even the United Kingdom) to join naval operations in the South China Sea under the guise of "freedom of navigation." For the US and its geopolitical and military strategy, the Philippines is an important base because of its proximity to China. As for China, the presence of US military forces in the Philippines is viewed as a threat to its security and will surely be the target of an armed attack when the US uses its pretext of war against China.

Giving way to an increased presence in the Philippines was used by the US Biden government as a condition for increased loans, investments and military aid that the Marcos regime desperately requested during two visits to the US. In exchange for the outright surrender of territory to the US and permission to use the country as a military base and US war base, the World Bank in June simultaneously approved four loan packages totaling $1.14 billion, to fill the Marcos regime's excessive budget deficit. Loans are now being used to push economic policies to further the interests of foreign capitalists and comprador bourgeois partners and landlords, at the expense of the livelihood of the toiling masses and ordinary Filipinos.

Under the Marcos puppet regime, the status of the Philippines as a US-colonial country without real independence is getting worse. The control and dominance of the US in the Philippines for more than 125 years is the root of why the country is in crisis, backward, agrarian, not industrialized and not standing on its own feet. The US is now using its political, economic, military and cultural dominance more strictly to advance its interests in the Philippines and the entire Asian region.

The Filipino people must fight for the scrapping of the EDCA, the VFA, the Mutual Defense Treaty and all other unfair military agreements with the US. The Philippines does not have true sovereignty as long as the US military power reduces it. The people must fight to free the Philippines from US control and develop the country's independent ability to defend itself. This can only be achieved if the Philippines has true economic and political independence and full national independence.

[Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines and is issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and views on current issues. Ang Bayan comes out fortnightly and is published in Pilipino, Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.]

https://philippinerevolution.nu/2023/07/21/pamamayagpag-ng-militar-ng-us-sa-ilalim-ng-papet-na-rehimeng-marcos/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.