Monday, July 24, 2023

CPP/Ang Bayan: Tatlo, iligal na inaresto

Propaganda article from the Tagalog language edition of Ang Bayan posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Philippine Revolution Web Central (PRWC) Website (Jul 21, 2023): Tatlo, iligal na inaresto (Three, illegally arrested)
 





July 21, 2023

Tatlong inidbidwal ang inaresto ng mga pwersa ng estado sa gawa-gawang mga kaso noong Hulyo 12 sa Quezon at Romblon. Samantala, naitala naman sa Negros at Leyte ang panggigipit sa samahan ng mga magsasaka at lokal na midya sa nagdaang linggo.

Dalawang aktibista ang inaresto ng 85th IB sa kasong illegal possession of firearms and explosives noong Hulyo 12 habang nagsasagawa ng pagsisiyasat sa komunidad sa Atimonan, Quezon. Inaresto sina Miguela Peniero, isang manggagawang pangkalusugan, at kabataang boluntir na si Rowena Dasig sa Purok Banaba, Barangay Caridad Ibaba.

Nasa komunidad ang dalawa para imbestigahan ang epekto ng pinaplanong itayo na cycle gas turbine power project at liquefied natural gas terminal plant sa naturang lugar. Ang proyekto na itatayo ng Atimonan One Energy, Inc. (A1E), subsidyaryo ng Meralco PowerGen Corp, ay pinangangambahang magkakaroon ng matinding epekto sa mga magkokopra at mangingisda sa bayan ng Atimonan.

Inaresto naman noong Hulyo 12 si Fabert Reyes sa Barangay Poblacion, Sibuyan Island sa Romblon sa patung-patong na 19 kaso ng libel. Si Reyes ay masugid na tumututol sa pagmimina sa Sibuyan Island.

Pandarahas. Iniulat ng National Union of Journalists of the Philippines ang panghaharas ng mga pulis sa tatlong mamamahayag sa Barangay Jones, Pastrana, Leyte noong Hulyo 14. Nag-uulat sina Lito Bagunas, Noel Sianosa at Ted Tomas kaugnay sa isang kaso ng pangangamkam ng lupa sa lugar nang palayasin sila ng pulis na si Rhea Mae Baleos. Habang nagaganap ang pagpapalayas, nakarinig ang tatlo ng mga putok ng baril.

Sa Negros Occidental, anim na asosasyon ng mga magsasaka, manggagawang bukid at mangingisda sa apat na barangay sa bayan ng Cauayan ang nag-ulat na sila’y tinatakot at ginigipit ng mga sundalo ng 15th IB at 47th IB simula Hulyo 10. Pinatatawag ng mga sundalo ang mga lider at kasapi ng mga asosasyon para sa isang “pulong.”

Ang mga asosasyon ay nakabase sa mga barangay ng Toyum, Caliling, Man-uling at Guiljungan. Nagbabahay-bahay at iniinteroga ng mga sundalo ang mga residente laluna ang mga lider ng mga asosasyon.

Pananakit. Magkakasunod na kaso ng pambubugbog ang naitala sa Barangay Budlasan, Canlaon City, Negros Oriental noong Hulyo 6. Pinaratangan sila ng 62nd IB na may kaugnayan sa hukbong bayan.

Binugbog ng mga sundalo sina Edward Sandot, Budok Sandot, Christopher Sandot, Joselito Patulada at Roberto Francisco na residente ng magkakaibang sityo sa naturang barangay.

[Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines and is issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and views on current issues. Ang Bayan comes out fortnightly and is published in Pilipino, Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.]

https://philippinerevolution.nu/2023/07/21/tatlo-iligal-na-inaresto/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.