Monday, July 24, 2023

CPP/Ang Bayan: US, nagpadala ng ipinagbabawal na cluster bombs sa Ukraine

Propaganda article from the Tagalog language edition of Ang Bayan posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Philippine Revolution Web Central (PRWC) Website (Jul 21, 2023): US, nagpadala ng ipinagbabawal na cluster bombs sa Ukraine (US sent banned cluster bombs to Ukraine)
 





July 21, 2023

Hindi bababa sa 11 bansa ang nagpahayag ng pagkabahala sa hakbang ng US na gumamit ng cluster bomb sa gerang proxy nito sa Ukraine laban sa Russia. Kabilang sa mga ito ang Laos at Cambodia, at kaalyado ng US na mga bansa tulad ng Belgium, Canada, Germany, Italy, Norway, Spain, at United Kingdom. Ipinadala sa Ukraine ang mga cluster bomb dahil nauubusan na ng bala ang hukbo nito sa ginagawang “kontra-opensiba” laban sa Russia.

Labag sa internasyunal na makataong batas ang paggamit ng mga cluster bomb dahil isa itong klase ng armas na walang pagtatangi at mapaminsala sa mga sibilyan. Ang isang cluster bomb ay bomba na naglalaman ng maraming mas maliliit na bomba o bomblet. Pinapakawalan ito mula sa lupa o eroplano at sumasabog sa ere. Nagpapakawala ng puu-puo o daan-daang bomblet na bumabagsak sa malawak na erya.

Hindi lahat ng mga bomblet ay sumasabog paglapat sa lupa at sa halip ay nababaon at sumasabog kapag nasagi o naapakan ninuman. Ayon sa mga pag-aaral, hanggang 40% ng nilalamang bomblet ng mga cluster bomb ang hindi kaagad sumasabog. Ito ang karanasan ng mga bansa na ginamitan ng mga cluster bomb, tulad ng Laos, na binagsakan ng US ng mahigit 20 milyong tonelada ng cluster munitions noong dekada 1970 at kung saan 30% ng mga bomblet ang di sumabog. Tinatayang 20,000 sibilyan, kalahati ay mga bata, ang namatay o nasugatan sa nakabaong mga bomblet mula 1975.

Dahil sa pinsalang dala nito sa mga sibilyan, mahigit 120 bansa ang pumirma sa isang kasunduan noong 2008 para ipagbawal ang produksyon at paggamit ng mga cluster bomb. Bukod sa China at Russia, hindi rin kabilang sa mga pumirma ang US. Nananatili itong pinakamalaking kapangyarihang militar na nagmamanupaktura at gumagamit ng gayong mga armas hanggang sa kasalukuyan.

Mariing kinundena ng Partido Komunista ng Pilipinas, National Democratic Front of the Philippines, gayundin ng ibang mga demokratiko at maka-kapayapaang organisasyon sa bansa, ang pagpapadala at paggamit ng cluster bomb ng US sa Ukraine. Magpapatagal at magpapaigting ito sa gerang proxy sa kapinsalaan ng mga sibilyan.

Tulad ng inaasahan, tahimik sa usaping ito ng papet na Armed Forces of the Philippines. Kabalintunaan ito sa kanilang walang batayang pagrereklamo laban sa paggamit ng command-detonated explosive ng Bagong Hukbong Bayan, na hindi ipinagbabawal sa Anti-Personnel Mine Ban Convention o Ottawa Treaty.

[Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines and is issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and views on current issues. Ang Bayan comes out fortnightly and is published in Pilipino, Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.]

https://philippinerevolution.nu/2023/07/21/us-nagpadala-ng-ipinagbabawal-na-cluster-bombs-sa-ukraine/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.