February 21, 2022
Pagtaas ng presyo ng langis, kinundena. Naglunsad ng noise barrage ang grupong Gabriela sa Marikina Public Market sa Marikina; sa Baseco, Tondo; at sa Tatalon at Mega Q-Mart sa Quezon City noong Peberero 18 upang kundenahin ang tuluy-tuloy na pagtaas ng mga presyo ng langis mula Enero. Bago nito nagkaroon din ng pagkilos noong Pebrero 14 ang mga drayber at opereytor sa Commonwealth Avenue sa Quezon City.
Maggugulay, nagkaraban sa Benguet. Nagkaraban ang 250 maggugulay at negosyante ng gulay noong Pebrero 14 sa mayor na kalsada ng La Trinidad, Benguet upang tutulan ang walang sagkang importasyon at pagpuslit ng gulay at iba pang produktong pang-agrikultura mula China. Anila hindi sapat ang limitado at ningas-kugon na mga aksyon ng rehimen para pigilan ang ismagling ng gulay na pumapatay sa kanilang kabuhayan.
Protesta sa Hacienda Murcia. Tahimik na nagmartsa ang mga residente at magsasaka ng Purok Cojuangco sa Hacienda Murcia tungong munisipyo ng Concepcion, Tarlac noong Pebrero 4 upang tutulan ang bantang pagpapalayas sa kanila. Anila, nakatanggap sila ng banta ng pagpapalayas at pagbabawal noong 2019 mula sa pamilyang Cojuangco at Landfactors, Inc. ng pamilyang Sy na umagaw sa kanilang lupa. Sinampahan sila ng kasong panloloob at panggugulo nang igiit nila ang karapatan nila sa lupa. Ilang dekada silang nagsasaka sa lugar.
Motorcade ni Marcos Jr. sa Caloocan, ginulantang. Nagulantang ang motorcade ng tambalang Marcos-Duterte sa Caloocan City noong Pebrero 19 nang biglang lumitaw sa dinadaanan nito ang mga taong may dalang malalaking banderang may nakasulat na “Huwag iboto ang magnanakaw at sinungaling!” Iwinasiwas nila ang mga plakard na nakasulat ang “Never Again!” habang dumadaan ang sasakyang lulan si Marcos Jr. mismo.
[Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines and is issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and views on current issues. Ang Bayan comes out fortnightly and is published in Pilipino, Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.]
https://cpp.ph/2022/02/21/mga-protesta-41/

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.