February 21, 2022
Dalawang batalyon ang kasalukuyang sumasakop sa isla ng Masbate (populasyon: 908,920) sa desperadong tangkang supilin ang mga paglaban ng mamamayan at gapiin ang Bagong Hukbong Bayan (BHB) sa isla. Nitong Pebrero, naiulat na kumpleto na ang paglilipat ng 96th IB sa isla mula Camarines Norte. Katumbas na nito ang 6.6 sundalo kada 10,000 katao sa isla kontra sa 2.7 manggagawang pangkalusugan kada 10,000 katao sa nakaraang mga taon.
Sinasabing ipinadala ang 96th IB para masaklaw ang 300 barangay sa isla na kunwa’y mga “hotspot” sa eleksyon. Ang totoo, layunin nitong lalupang higpitan ang paghahari-harian ng militar sa maraming lugar sa isla. Bago rito, ang batalyong ito ay dating nakadeploy sa Camarines Norte.
May madugong rekord ang 96th IB noong nasa ilalim pa ito ng 902nd IBde na sumasakop sa Camarines Norte at ilang bayan ng Camarines Sur. Tatlong magsasaka ang pinahirapan, pinatay at inilibing sa mababaw na hukay sa Ragay, Camarines Sur noong Mayo 2018. Isang mag-ama naman ang pinatay ng mga tropa nito sa Labo, Camarines Norte noong Marso 2020.
Sa paglipat ng batalyon sa Masbate, tiyak na lalala pa ang mga paglabag sa karapatang-tao sa prubinsya. Ayon sa datos ng National Democratic Front-Bicol, 74 sa 229 biktima ng ekstrahudisyal na pagpaslang mula 2016 hanggang Enero 2022 ay naitala sa Masbate. Ito ang pinakamalaking bilang sa rehiyon.
Dagdag perwisyo sa masang Masbatenyo ang 2nd IB, isang pangkat ng 31st IB, ang 93rd Civil Military Operations Company, isang kumpanya ng military intelligence, at humigit kumulang tatlong batalyon ng pwersang pulis.
[Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines and is issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and views on current issues. Ang Bayan comes out fortnightly and is published in Pilipino, Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.]
https://cpp.ph/2022/02/21/2-batalyon-nakapwesto-sa-masbate/

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.