February 21, 2022
Isang duktor, isang kabataang aktibista at tatlong magsasaka ang iligal na inaresto ng mga sundalo at pulis sa nagdaang ilang araw.
Noong Pebero 18, inaresto ng mga pulis si Dra. Ma. Natividad Castro sa bahay ng kanyang kapatid sa San Juan City. Si Dra. Castro ay kabilang sa mga manggagawang pangkalusugan na tumulong sa pagtatayo ng mga community health center at mga programang pangkalusugan sa rehiyon ng Caraga sa Mindanao. Matagal din siyang nagsilbi bilang pangkalahatang kalihim ng Karapatan-Caraga.
Sinampahan si Dra. Castro ng gawa-gawang kaso na kidnapping at illegal detention at idinadawit sa opensiba ng Bagong Hukbong Bayan sa Sibagat, Agusan del Sur noong December 29, 2018. Bahagi ang pang-aaresto sa kanya sa walang puknat na pang-aatake sa mga tagapagtanggol sa karapatang-tao at karapatan ng mga Lumad sa Mindanao para paluhurin ang mamamayan sa isla at likhain ang ilusyong balwarte ito ng pamilyang Duterte.
Bicol. Noong Pebrero 13, inaresto ng mga pulis si Allen Omanad, mag-aaral ng Catanduanes State University at residente ng Viga, Catanduanes, matapos taniman ng kalibre .38 na baril at mga bala ang kanyang bahay. Ayon sa magulang ni Omanad, nilooban ang kanilang bahay ng tatlong lalaki at itinanim ang isang pistola ilang minuto lamang bago dumating ang mga nang-arestong pulis. Hinabol pa ni Omanad ang mga manloloob pero di na niya sila inabutan.
Inaresto noong Enero 21 ng 31st IB si Nora Garote, residente at kagawad ng Barangay Sta. Lourdes, Sorsogon. Sa Legazpi, Albay, dinakip si Maricel Morilla noong Enero 20 at idinawit sa ambus ng hukbong bayan laban sa mga elemento ng 31st IB sa Barangay Banquerohan noong 2020.
Nakaranas din ng pandarahas ang municipal coordinator ng Anak‐pawis Partylist na si Edwin Romero at isang kasapi ng Kabataan Partylist noong Pebrero 9 habang nag-aantay sa Alice Bridge, Sorsogon City.
Samantala sa Masbate, dinukot at pinatay ng PNP-Masbate at 96th IB si Richard Mendoza, residente ng Esperanza, noong Pebrero 8 at pinalabas na kasapi ng BHB na nasawi sa labanan.
Negros Occidental. Iligal na inaresto si Harlyn Balora, kasapi ng Anakbayan Negros noong Pebrero 19 sa Sityo Montara, Barangay Camang Camang, Isabela kung saan siya naninirahan. Sinalakay din ng 500-lakas na pwersa ng PNP at AFP ang mga bahay sa lugar. Kasalukuyang nakadetine si Balora sa Isabela Police Station.
Samantala, tinakot, ginipit at ipinailalim ng mga sundalo sa interogasyon ang mga residente ng Barangay Bi-ao, Binalbagan. Ito ay matapos silang mabigwasan ng mga Pulang mandirigma noong Pebrero 13. Nilooban ng mga sundalo ang isang bahay at winasak ang motorsiklong nakaparada rito. Samantala, isang 15-anyos na batang lalaki ang nasugatan sa walang pakundangang pamamaril ng mga pulis na nataranta nang ambusin sila ng Pulang hukbo.
Rizal. Pinaulanan ng bala ng mga gwardya ng JMV Security Services ang mga residente ng Sityo Avatex, Barangay San Jose, Rodriguez, Rizal noong Pebrero 16 ng umaga. Malubhang nasugatan sa insidente ang isang residente dahil sa pamamaril.
Instrumento ang mga gwardiyang ito sa pagpapalayas sa mga residente sa 148 ektaryang lupain na inaangkin ng JVH Real Property and Leasing.
[Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines and is issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and views on current issues. Ang Bayan comes out fortnightly and is published in Pilipino, Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.]
https://cpp.ph/2022/02/21/duktor-isang-aktibista-at-tatlong-magsasaka-iligal-na-inaresto/

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.