From Kalinaw News (Aug 27, 2020): Isang miyembro ng CPP-NPA boluntaryong sumuko sa awtoridad kasunod ng pagkakarekober ng mga kagamitan ng CPP-NPA sa Isabela
CAMP MELCHOR F DELA CRUZ, Gamu, Isabela – Dahil sa pinaigting na pagpapatupad ng EO #70 o Task Force to End Local Communist Armed Conflict (ELCAC) ng pinagsanib na pwersa ng 95th Infantry (Salaknib) Battalion, Philippine Army at ng Isabela PPO ay nagresulta sa boluntaryong pagsuko ng isang miyembro ng CPP-NPA sa Barangay Zone 1, San Mariano Isabela. Kasunod nito ay ang pagkakarekober ng mga kagamitan ng Teroristang NPA na kinabibilangan ng dalawang (2) Commercial Handheld Radios (ICOM), isang (1) rolyo ng water hose, isang (1) rolyo ng kable ng kuryente, 13 laminated sacks, mga kagamitang panluto, mga lagayan ng tubig at dalawang (2) civilian NPA back packs na pagmamaya-ari ng mga naunang natulungan na nagbalik loob na sina “Ka Leslie” at “Ka Jimboy” na narescue ng tropa ng 95IB noong ika-16 ng Pebrero 2020.
Ang ibang mga kagamitang narekober ay pinaniniwalaang pagmamay-ari ng mga miyembro ng Regional Sentro De Grabidad, Komiteng Rehiyong-Cagayan Valley (RSDG, KRCV) sa Barangay Nanaguan, Ilagan City, Isabela noong ika-26 ng Agosto 2020.
Sa tulong ng 95th Infantry Battalion at ng Isabela Police Provincial Police Office ay nakapag-loob si “Ka Lito” dating miyembro ng Regional Sentro De Grabidad, Komiteng Rehiyong-Cagayan Valley (RSDG, KR-CV). Sa panayam kay “Ka Lito” siya di-umano ay nirekrut ni “Ka Rod” at “Ka Shuli” noong Marso taong kasalukuyan. Ibinunyag nito kung saan nakatago ang mga kagamitang naiwan ng kanyang mga kasamahan na NPA sa Brgy. Rang Ayan, Ilagan, Isabela pagkatapos ng engkwentro sa pgitan ng 95IB at ng NPA noong February 16, 2020.
Ayon pa sa kanya, hindi siya natakot at nag-alinlangang magbalik-loob sa pamahalaan, dahil nakita niya ang pagkakaiba ng sitwasyon ng nawala ang presensya ng mga teroristang NPA. Nakita rin niya ang suporta ng ating pamahalaan, mga kasundaluhan at kapulisan na matulungan ang mga katulad niyang nalinlang ng teroristang NPA. Pinapurihan ni MGen Laurence E Mina PA, Commander ng 5ID si “Ka Lito” sa kanyang desisyong magbalik-loob sa pamahalaan at hinikayat ang mga natitira pang mga NPA sa Cagayan Valley at Cordillera. Binigyang diin ni BGen Mina na ang tunay na kapayapaan at pag-unlad ay matatamasa sa pagtutulongan ng lahat, lalong-lalo na sa pakikiisa ng mamamayan.
[Kalinaw News is the official online source of information on the pursuit for peace in the Philippines This website is a property of the Civil-Military Operations Regiment, Philippine Army located at Lawton Avenue, Fort Bonifacio, Taguig City. Contact us: kalinawnews@cmoregiment.com]
https://www.kalinawnews.com/isang-miyembro-ng-cpp-npa-boluntaryong-sumuko-sa-awtoridad-kasunod-ng-pagkakarekober-ng-mga-kagamitan-ng-cpp-npa-sa-isabela/
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.