Sunday, July 21, 2019

CPP/Ang Bayan: Pag­pa­pa­sa­ra sa mga paa­ra­lang Lu­mad, ki­nun­de­na

Propaganda article from the Tagalog language edition of the CPP online publication Ang Bayan (Jul 21, 2019): Pag­pa­pa­sa­ra sa mga paa­ra­lang Lu­mad, ki­nun­de­na

NAGPROTESTA ANG MGA mag-aa­ral at gu­ro ng mga paa­ra­lang Lu­mad sa ila­lim ng Save Our Scho­ols (SOS) Net­work sa ha­rap ng upisina ng De­partment of Educa­ti­on sa Pa­sig City noong Hul­yo 17 pa­ra kun­de­na­hin ang tangkang pag­pa­pa­sa­ra sa mga paa­ra­lang Lu­mad sa Min­da­nao. Partikular nilang binatikos ang pagsuspinde sa 55 paa­ra­lan na pinatatakbo ng Sa­lug­po­ngan Ta’ Ta­nu Igka­no­gon Com­mu­nity Lear­ning Cen­ter Inc. alinsunod sa utos ni Na­tio­nal Secu­rity Advi­ser Her­mo­ge­nes Espe­ron, Jr. na ipasara ang mga ito.

Sa ta­la ng Save Our Scho­ols (SOS), may 215 nang mga paa­ra­lang sa Min­da­nao ang sapilitang nag­sa­ra mu­la 2016. Wa­lum­pu di­to ang nag­sa­ra da­hil sa pag­ka­kam­po ng mga sun­da­lo sa komunidad at sis­te­ma­ti­kong pang-aatake at paninira ng mga sundalo sa kanilang mga pasilidad.

Matagal nang ina­ku­sa­han ni Du­ter­te ang Sa­lug­po­ngan at iba pang paa­ra­lang Lu­mad bilang mga paa­ra­lang ng Ba­gong Huk­bong Ba­yan. Sa kanyang ika­la­wang Sta­te of the Nati­on Address noong 2017, nag­ban­ta si­yang bo­bom­ba­hin ang na­tu­rang mga paa­ra­lan.

Sa taong ito, may 30 paa­ra­lang Lu­mad ang nag­sa­ra kung saan 1,300 mag-aa­ral ang na­ti­gil sa pag-aa­ral da­hil sa tu­luy-tu­loy na ata­ke ng militar.

Ayon sa PKP, ipinakikita ng kautusan ng DepEd kung papaanong itinatakda ng militar sa mga patakaran ng mga ahensyang sibil. Dagdag ng PKP, ito’y dagdag sa mga patakarang anti-Lumad ng rehimeng Duterte kabilang na ang pag-agaw ng kanilang lupang ninuno para ibukas sa pagmimina at mga plantasyon.

[Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippinesand is issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and views on current issues. Ang Bayan comes out fortnightly and is published in Pilipino, Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.]





Published by Philippine Revolution Web Central
The official blogsite of the Communist Party of the Philippines Information Bureau 

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.