Sunday, July 21, 2019

CPP/Ang Bayan: Kontrol ng US sa ban­sa, pa­tu­loy na humihig­pit

Propaganda article from the Tagalog language edition of the CPP online publication Ang Bayan (Jul 21, 2019): Kontrol ng US sa ban­sa, pa­tu­loy na humihig­pit



LALONG HUMIHIGPIT ANG ha­wak ng US sa Pi­li­pi­nas matapos ang ika-8 Bi­la­te­ral Strategic Dialo­gue (BSD) sa pagitan ng da­la­wang ban­sa noong Hul­yo 15-16. Isinasagawa ang taunang BSD sa ilalim ng US-Philippines Mu­tu­al Defen­se Treaty. Di­na­da­lu­han ito ng ma­ta­ta­as na upi­syal ng gubyernong US at ng Armed Forces of the Phi­lip­pi­nes.

Ang de­le­ga­syon mu­la sa US ay pi­na­ngu­na­han ni Ambassador Sung Kim, ka­sa­ma ang mga ki­na­ta­wan ng Sta­te Department for East Asi­an and Pacific Affairs at De­partment of Defen­se for Indo-Pacific Secu­rity Affairs. Ti­na­ta­la­kay di­to hin­di la­mang ang mga usaping mi­li­tar kun­di pa­ti ang mga usa­pin sa la­ra­ngan ng pu­li­ti­ka at eko­nom­ya.

Ginamit ng US ang dayalogo upang patuloy na igiit ang ka­pangyarihan nito sa Asia, laluna sa harap ng girian nito sa China. Tinulak nito ang Pilipinas na isulong sa ASEAN o Association of South­east Asian Nations ang isang kon­dukta sa pinag-aagawang teritoryo sa South China Sea upang kontrahin ang pag-angkin ng China sa karaga­tang ito. Napagkasunduan rin na sasama ang Pilipinas sa pag­papa­kitang-lakas ng US sa tabing ng mga operasyong “freedom of navigation” sa anyo ng paglalayag ng mga bar­kong pandigma at pagpapalipad ng mga jetfighter sa teritoryo ng bansa.

Mas ma­la­ki rin ang ga­ga­na­ping pag­sa­sa­nay ng mga huk­bong ka­ti­han ng Pi­li­pi­nas at US sa susu­nod na taon. Sa Sa­lak­nib 2020, mu­ling sa­sa­na­yin ang 1st Bri­ga­de Com­bat Team (BCT) na binuo ng mi­li­tar ng US noong 2018. Ka­ta­pat ng may 1,500 tau­han ng BCT ang may 1,700 sundalo na­man mu­la sa US Army Pacific Com­mand. La­yon ng Sa­lak­nib na mapa­hu­say ang pagmaman­do ng militar ng US sa mga pwer­sa ng AFP pa­ra sa mga gerang kum­ben­syu­nal at “kontraterorismo.” Pag­ha­han­da ito pa­ra sa ma­la­ki­hang mga laba­nan, ayon sa ta­ga­pag­sa­li­ta ng Phi­lip­pi­ne Army na si Lt. Col. Ra­mon Za­ga­la.

Ba­go pa man ang BSD, nag­la­an na ang US ng $145.6 mil­yon ayu­da pa­ra ga­mi­tin ng AFP sa 2019. Hin­di pa ka­bi­lang di­to ang ma­ku­ku­hang ba­ha­gi ng mi­li­tar ng Pi­li­pi­nas sa inapru­ba­han ni US Pre­si­dent Do­nald Trump na $1.5 bil­yong ayu­dang mi­li­tar pa­ra sa mga ban­sa sa Asia Pacific mu­la 2019-2023.

Ka­sa­bay ng BSD, si­ni­mu­lan din ang Ma­ri­ne Avia­ti­on Sup­port Activity (MASA) sa Ma­ri­ne Ba­se Gre­go­rio Lim sa Ter­na­te, Cavi­te. Da­la­wang be­ses ka­da taon gi­na­ga­nap ang MASA na nilalahukan ng Ma­ri­nes at Air Force ng US at Pi­li­pi­nas. Isa la­mang ang MASA sa nakahanay na 280 pi­nag­sa­nib na pag­sa­sa­nay na na­ka­tak­dang ga­win sa ban­sa sa 2019.

[Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippinesand is issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and views on current issues. Ang Bayan comes out fortnightly and is published in Pilipino, Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.]




Published by Philippine Revolution Web Central
The official blogsite of the Communist Party of the Philippines Information Bureau

https://prwcinfo.wordpress.com/2019/07/21/kontrol-ng-us-sa-bansa-patuloy-na-humihigpit/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.