Sunday, July 21, 2019

CPP/Ang Bayan: Li­be­ra­li­sa­syon sa bi­gas, sa­ku­na sa magsasa­ka

Propaganda article from the Tagalog language edition of the CPP online publication Ang Bayan (Jul 21, 2019): Li­be­ra­li­sa­syon sa bi­gas, sa­ku­na sa magsasa­ka

SA PRE-STATE OF the Na­tio­n Address Eco­no­mic and Infrastructu­re Fo­rum nga mga upisyal sa ekonomya, ti­na­wag ng mga upi­syal ng gubyerno na isang “na­pa­ka­la­king nakamit na lehislatura” ang Re­pub­lic Act 11203 o Rice Li­be­ra­liza­ti­on Act. Isa itong malaking kalokohan da­hil ang ka­to­to­ha­nan, ang iti­nu­tu­ring ni­lang “ta­gum­pay” ay malaking sa­ku­na pa­ra sa ma­sang mag­sa­sa­ka ng pa­lay.

Pi­nag­ti­bay ang na­tu­rang ba­tas noong Di­sye­mbre 2018 pa­ra diu­ma­no aga­pan ang pag­si­rit ng pre­syo ng bi­gas sa lo­kal na pa­mi­li­han. Pe­ro ta­li­was sa pa­nga­kong ba­ba­ba nang hus­to ang pre­syo ng bi­gas, bu­ma­ba­ba la­mang ito nang ₱1-2 mu­la nang ipi­na­tu­pad ang liberalisa­syo­n. Na­na­na­ti­ling na­sa ₱30-₱70 ang ben­ta­han ni­to sa mga pa­leng­ke at tindahan.

Ito ay sa ka­bi­la ng na­ka­ta­la sa re­kord ng gub­yer­no na na­sa ₱18-₱25/ki­lo ang pre­syo ng impor­ted na bi­gas na pu­ma­pa­sok sa ban­sa.

Sa ka­bi­lang ban­da, su­mad­sad ang pre­syo ng lo­kal na pa­lay mu­la abe­reyds na ₱20/ki­lo sa maagang ba­ha­gi ng taon tu­ngong ₱12-₱17/ki­lo noong Hun­yo. Ha­los ka­tum­bas na la­mang ito sa gastos ng pro­duk­syon ng mga mag­sa­sa­ka sa pa­la­yan. Du­lot ni­to, ti­na­ta­yang malulu­gi ang mga mag­sa­sa­ka nang hang­gang ₱114 bil­yon nga­yong taon, ma­la­yong mas ma­ta­as kay­sa ipinagmamalaking ₱5.9 bil­yong na­li­kom na ta­ri­pa du­lot ng ba­tas sa liberali­sa­syo­n.

[Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippinesand is issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and views on current issues. Ang Bayan comes out fortnightly and is published in Pilipino, Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.]





Published by Philippine Revolution Web Central
The official blogsite of the Communist Party of the Philippines Information Bureau

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.