Monday, January 22, 2018

CPP/Ang Bayan: Kumpanya ng mina, pinarusahan

Propaganda article from the Tagalog language edition of the CPP online publication Ang Bayan (Jan  21): Kumpanya ng mina, pinarusahan

Nireyd ng mga Pulang mandirigma ng Comval-Davao Gulf Subregional Command ng Bagong Hukbong Bayan-Southern Mindanao Region ang RAM Aggregates, Inc., isang kumpanya na nagmimina ng nikel sa Barangay Puntalinao, Banay-banay, Davao Oriental noong Enero 4.

Nakumpiska sa nasabing reyd ang isang ripleng Garand na may sniper scope, isang M79 grenade launcher, dalawang shotgun, dalawang pistola at daan-daang mga bala at iba pang mga gamit militar. Kasabay nito, pinaralisa ng mga Pulang mandirigma ang mga gamit sa minahan kabilang ang anim na backhoe, isang buldoser at isang dumptruck.

Ang pamamarusa ay alinsunod sa patakaran ng Partido Komunista ng Pilipinas na protektahan ang kalikasan sa anumang mapangwasak na malakihang pagmimina at yaong mga kumpanya na nakikipag-ugnayan sa mga dayuhang mamumuhunan na walang ginawa kundi dambungin ang mga natural na yaman ng bansa habang pinagsasamantalahan ang mga manggagawa at magsasaka.

Kasabay nito, inilunsad ng 1st Pulang Bagani Battalion ang punitibong aksyon laban sa mapaminsalang mga kumpanyang Sumitomo Fruits Corp. at Highland Banana Corporation sa Barangay Tamayong, Calinan District, Davao City noong Enero 13, alas-8 ng umaga. Tatlong trak ng boom sprayer ang pinaralisa ng mga Pulang mandirigma.

Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines and is issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and views on current issues. Ang Bayan comes out fortnightly and is published in Pilipino, Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.]

https://www.philippinerevolution.info/ang_bayan/20180121-kumpanya-ng-mina-pinarusahan/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.