Nitong Enero, apat na petisyon ang isinampa sa Korte Suprema laban sa pagpapalawig ng martial law sa Mindanao. Ang mga ito ay isinampa nina Albay Representative Edcel Lagman, ng blokeng Makabayan at National Union of People’s Lawyers, ni dating komisyuner ng Commission on Human Rights na si Loretta Ann Rosales at ni Christian Monsod, dating tagapangulo ng Commission on Elections.
Lahat ng petisyon ay nagsasaad na walang batayan ang pagpapalawig ng batas militar sa Mindanao.
Bago nito, pinabulaanan ni Arleen Alonzo, campaign officer ng Alliance for Genuine Development ang sinabi ni CHR-12 Director Erlan Deluvio, na ang masaker sa Barangay Ned, Lake Sebu, South Cotabato ang kauna-unahang paglabag sa karapatang-tao sa ilalim ng batas militar. Sa katunayan, nakapagtala na ang Karapatan-Soccsksargen ng 13 kaso ng esktrahudisyal na pagpatay sa rehiyon sa panahong ito. Dagdag pa dito ang mga pambobomba na nagtulak sa 200 pamilyang Lumad na magbakwit mula sa Lake Sebu, Malapatan, at Sultan Kudarat at maging sa Carmen, Magpet at Makilala sa Cotabato noong Nobyembre 2017.
[Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the
https://www.philippinerevolution.info/ang_bayan/20180121-apat-na-petisyon-laban-sa-martial-law-isinampa/
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.