Thursday, December 21, 2017

CPP/Ang Bayan: Pagdiriwang sa ika-50 anibersaryo ng PKP, sisimulan na

Propaganda article from the Tagalog edition of Ang Bayan posted to the Communist Party of the Philippines Website (Dec 21):  Pagdiriwang sa ika-50 anibersaryo ng PKP, sisimulan na

IPAGDIRIWANG ANG ika-49 anibersaryo ng muling pagtatatag ng PKP sa Disyembre 26. Magsisilbi na rin ito bilang pagsisimula ng isantaong pagdiriwang sa ika-50 anibersaryo ng Partido.

Mula sa iilang abanteng aktibistang nagmula sa uring manggagawa, petiburges at mga kabataang-estudyante na unang bumuo nito, sinuong ng napakaliit at napakabatang Partido ang mabangis na panunupil ng iba’t ibang reaksyunaryong rehimen upang mapalaki at mapalakas ang sarili. Binuo at pinamunuan nito ang hukbong bayan at ang pambansang nagkakaisang prente, pinaunlad ang mga ito at natuto ng digmaan sa pamamagitan ng pakikidigma. Pagkatapos ng kalahating siglo, patuloy nitong pinamumunuan ang isa sa pinakamatagal nang armadong pakikibaka sa Asia, ang pinakamalaki at pinakamalakas na hukbong bayan sa kasaysayan ng Pilipinas, at ang patuloy na lumalawak at lumalalim na rebolusyonaryong baseng masa sa saklaw na hindi inabot maging ng dating Katipunan.

Kaya’t sa harap ng pinatinding atake ng kaaway sa ilalim ng pasistang rehimeng Duterte, malaki ang ipinagbubunyi ng buong rebolusyonaryong kilusan sa ika-50 anibersaryong ito. Katatampukan ng pagdiriwang ang paglikha ng mga bagong awitin, sayaw at iba’t ibang tradisyunal at modernong anyo ng sining, masigla at malaganap na pag-aaral sa kasaysayan ng Partido, panrehiyong mga paglalagom ng karanasan at pag-aaral ng mga lokal na kasaysayan, muling paglilimbag ng mga tampok na akda na may kabuluhang pangkasaysayan, at pagpapalaganap ng mga batayang dokumento ng Partido mula sa una at ikalawang kongreso.

Dagdag sa mga panrehiyong pagdiriwang, maglalabas din ang Ang Bayan ng serye ng mga artikulo bilang ambag nito sa selebrasyon.

Inaasahang ibayong magpapalakas sa pagkakaisa at kapasyahang lumaban ng Partido at buong rebolusyonaryong kilusan ang pagdiriwang na ito.

[Ang Bayan is the official newspaper of the Communist Party of the Philippines. Ang Bayan is published in Pilipino, Bisaya, Hiligaynon, Waray and English. Download Ang Bayan from the Philippine Revolution Web Central at www.philippinerevolution.info.  Ang Bayan is published fortnightly by the Central Committee of the Communist Party of the Philippines.

https://www.philippinerevolution.info/ang_bayan/20171221-pagdiriwang-sa-ika-50-anibersaryo-ng-pkp-sisimulan-na/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.