Tuesday, July 26, 2016

Tagalog News: 37th National Reservist Week matagumpay na idinaraos sa lungsod ng Butuan

From the Philippine Information Agency (Jul 26): Tagalog News: 37th National Reservist Week matagumpay na idinaraos sa lungsod ng Butuan

BUTUAN CITY - Daan-daang laang kawal o mga tinaguriang reservists ang muling nagtitipon-tipon kasabay sa pagdiriwang ng 37th National Reservist Week na idinaraos kamakailan lang dito sa lungsod.

Sa temang, “Laang kawal na naghahanda at nagsasanay tungo sa mapayapa, masagana at maunlad na bayan,” ang nasabing selebrasyon ay naaayon sa mahalagang kontribusyon ng bawat reservist bilang protektor ng sambayanan sa pamamagitan ng pagpapalaganap ng panloob na seguridad at katatagan ng bansa, partisipasyun sa panahon ng emerhensya, at pagsasagawa ng aktibidades tungo sa pangkalahatang kaunlaran.

Ayon pa kay Col. Maning Tawantawan, group commander ng 15th Regional Community Defense Group o RCDG, na sa kabila ng pagharap sa mga hamon nito muli niyang hinihikayat ang mga reservist na makilahok lalung-lalo na sa pagsagawa ng mga humanitarian at rescue services.

Ayon sa kanya ang RCDG ay lalo pang pinapalakas sa pamamagitan ng pag-oorganisa ng joint task force ng Navy, Philippine Army at Air Force.

Tinatayang umabot na ng 559 na malalakas at masigasig na reservists meron sa probinsiya ng Agusan del Norte.Inimbitahan din ni Col. Tawantawan ang sinumang kwalipikado na sumali sa pwersa ng reservist kung saan sasailalim sa paghahanda sa pamamagitan ng lectures at pagsasanay hinggil nito.

“Kabilang sa benepisyo ng bawat miyembro ang probisyon ng uniporme, libreng panghimpapawid na transportasyon sakay ng C130, at iba pang ayudang pinansyal sa mga regular at aktibong miyembrong gumaganap ng kani-kanilang tungkulin sa serbisyo,” dagdag pa ni Tawantawan.

Ang nasabing okasyon ay dinaluhan din ni BGen. Ronnie Evangelista, deputy commander ng Eastern Mindanao Command. Ayon kay Evangelista, ang presensya ng mga reservist sa selebrasyon ay testamento umano ng kanilang makabuluhang pakikibaka bilang frontrunners ng socio-economic development at maasahang kaakibat sa pagtupad ng Armed Forces of the Philippines mission, na may integridad, lakas at dangal.Ginanap naman ang isang pass-in-review bilang isa sa mga highlights sa closing ceremony ng nasabing selebrasyon.

http://news.pia.gov.ph/article/view/2761469444504/tagalog-news-37th-national-reservist-week-matagumpay-na-idinaraos-sa-lungsod-ng-butuan

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.