Samuel Guerrero
Spokesperson
NPA Sorsogon Provincial Operations Command (Celso Minguez Command)

MARIIN naming kinukundena ang ekstrahudisyal na pagpatay ng mga armadong pwersa ng gobyerno kay Samuel Dollesin ng Barangay Lapinig, Gubat, Sorsogon. Ang bangkay ng biktima ay natagpuan ngayong araw na nakalibing sa gilid ng kalsada sa karatig na Barangay Sogod, Bacon District, Sorsogon City.
Noong Disyembre 4 pa nawala si Dollesin, habang nag-ooperasyon ang pinagsanib na mga tropa ng PNP Public Safety Company at ng 31st Infantry Battalion ng Philippine Army sa naturang erya. Ayon sa nakasaksi, naglalakad pauwi ang biktima nang makasalubong ng mga lasing na sundalo. Huling nakita si Dollesin habang binubugbog ng mga sundalo.
Si Dollesin ay dating mandirigma ng NPA na malaon nang umalis sa serbisyo at naghahanapbuhay na lamang bilang helper sa pagtitistis ng kahoy. Sa aming pagkakaalam, wala siyang kinasasangkutan na anumang pagkakasala o krimen. Ang tanging posibleng dahilan ng pagpaslang sa kanya ng mga tropa ng gobyerno ay ang dati niyang paglahok sa rebolusyonaryong armadong pakikibaka.
Marapat lamang kundenahin ang nakalulunos na sinapit ni Dollesin sa kamay ng mga tropa ng gobyerno. Isa siyang sibilyan at ang pagpaslang sa kanya ay labag sa lahat ng batas ukol sa karapatang pantao at makataong kondukta ng digma.
Hinihikayat namin ang mga kaanak ng Dollesin na huwag manahimik at magpadaig sa takot. Karapatan nilang kalampagin ang mga kinauukulan upang igiit ang katarungan para sa biktima. Tinitiyak naman namin sa kanila na gagawa ng hakbang ang rebolusyonaryong kilusan para panagutin ang mga salarin sa krimeng ito.
http://www.philippinerevolution.net/statements/20141208_kinukundena-namin-ang-pagsalbeyds-sa-sibilyang-si-samuel-dollesin

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.