Thursday, July 13, 2023

CPP/NPA-Sorsogon: Kasinungalingan ang mga ulat ng 22nd IBPA

Propaganda statement posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Philippine Revolution Web Central (PRWC) Website (Jul 11, 2023): Kasinungalingan ang mga ulat ng 22nd IBPA (The reports of the 22nd IBPA are lies)
 


Samuel Guerrero
Spokesperson
NPA-Sorsogon (Celso Minguez Command)
Bicol Regional Operational Command (Romulo Jallores Command)
New People's Army

July 11, 2023

Pinagtatawanan ngayon sa bayan ng Bulan, laluna sa Barangay Calpi, ang post ng 22nd IBPA sa kanilang Facebook page na umano’y matagumpay nilang pakikisagupa sa mga mandirigma ng NPA noong Hulyo 6 at Hulyo 10.

Anang 22nd IBPA sa Facebook account nito, nagresponde ang mga sundalo sa ulat ukol sa presensya ng NPA sa Sityo Sabang ng naturang barangay at habang nagsisiyasat daw ay nakasagupa nila ang may sampung “rebelde”. Nagtanim pa sila ng “ebidensya” bilang patunay kuno ng kanilang aksyon.

Alam ng mga residente ng lugar na fake news ito. Saksi sila sa tunay na nangyari noong gabi ng Huwebes at nitong Lunes ng hapon– nagsagawa ng operasyong haras laban sa mga pasistang sundalo na magtatatlong linggo nang nagkakampo sa evacuation center at sa kapilya ng barangay. Ang operasyong ito ay pagpapakita ng suporta ng rebolusyonaryong kilusan sa mariing kahilingan ng mga taumbaryo na palayasin ang mga sundalong umookupa sa mga pasilidad ng baryo at nakakaabala sa matiwasay na pamumuhay ng mga sibilyan.

Ang hindi sinasabi ng 22nd IBPA sa Facebook post nito ay ang pagkukumahog ng mga sundalo na magsipagtago sa mga bahay sa paligid at gamitin ang mga sibilyan na “human shield”. Taliwas sa internasyunal na makataong batas, isinasapeligro nila ang buhay ng mga residente nang mukla sa loob ng mga bahay ay walang habas silang nagpapaputok sa kung anu-anong direksyon. Hindi rin nila binabanggit na pinatipon nila ang mga taumbaryo kinabukasan ng pangyayari at sa naturang pagtitipon ay nagbanta sila na ang mga sibilyan ang kanilang pagbabalingan oras na maulit ang pangyayari.

Hindi rin nila binabanggit na pinatipon nila ang mga taumbaryo kinabukasan ng pangyayari at sa naturang pagtitipon ay nagbanta sila na ang mga sibilyan ang kanilang pagbabalingan oras na maulit ang pangyayari.

Tahimik din ang 22nd IBPA hinggil sa pagkataranta ng mga sundalo nito sa detatsment sa kalapit na baryo ng Calmayon, Juban sa pagpapasabog ng NPA ng command-detonated explosive sa bakod ng kampo noong Hulyo 6 ng gabi. Nagbahag ng buntot ang mga pasista sa mga opensiba ng tinagurian nilang mga “natitirang myembro” ng NPA sa Sorsogon.

Anang mga residente sa mga apektadong barangay, ang nais sana nilang tugon ng mga sundalo ay ang agad na paglayas mula sa mga sentro ng populasyon at hindi ang pagkakakalat ng kasinungalingan at pagbabanta sa mga sibilyang walang kalaban-laban.

https://philippinerevolution.nu/statements/kasinungalingan-ang-mga-ulat-ng-22nd-ibpa/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.