July 12, 2023
Anim na aasosasyon ng mga magsasaka, manggagawang bukid at mangingisda sa apat na barangay ng Cauayan, Negros Occidental ang nag-ulat na sila’y tinatakot at ginigipit ng mga sundalo ng 15th IB at 47th IB simula Hulyo 10. Ayon sa ulat ng grupo sa karapatang-tao na September 21 Movement South Negros, pinatatawag ng mga sundalo ang mga lider at kasapi ng mga asosasyon para sa isang “pulong.”
Ang mga asosasyon na tinatarget ng militar ay ang Tuyom Small Farmers Association (TUSFA), Caliling Small Agricultural Workers (CASAWA), Paghili usa sang Magagmay nga Mangingisda sa Guiljungan (PAMAGUI), Small Fisherfolk Association Man uling (SFAM), Paghiliusa sang Magagmay Mangingisda sa Lugway (PAMALU), at Hiliusa sang Mangunguma Mamumugon sa Guita (HMMAG).
Ang mga asosasyon ay nakabase sa mga barangay ng Toyum, Caliling, Man-uling at Guiljungan. Kasalukuyan ding nag-ooperasyon at nagkakampo ang naturang yunit sa gitna ng mga sibilyang komunidad. Nagbabahay-bahay at iniinteroga ng mga sundalo ang mga residente laluna ang mga lider ng mga asosasyon.
“Pinipilit nila ang chairman na magsagawa ng isang pagpupulong kung saan dadalo ang mga sundalo,” pahayag ng grupo. Anila, nagdudulot ito ng labis na takot sa mga nasa komunidad at myembro ng mga asosasyon dahil may dala-dalang matataas na kalibre ng armas ang mga sundalo at sinisindak sila ng mga ito.
Ang naturang mga samahan ay naninindigan laban sa tangkang pang-aagaw ng kanilang lupa at pagpapalayas sa kanilang kinatitirikan. Mayroon ding banta ng pagpapalayas at demolisyon para bigyang daan ang mga proyektong ekoturismo sa lugar.
https://philippinerevolution.nu/angbayan/mga-samahang-maralita-sa-negros-occidental-ginigipit-ng-militar/

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.