July 13, 2023
Sa ika-7 taon ng arbitral ruling ng Permanent Court of Arbitration (PCA) kaugnay sa pag-aari ng Pilipinas sa mga teritoryong dagat nito sa West Philippine Sea, nagprotesta ang mga mangingisda at binatikos ang inutil na aksyon ng rehimeng Marcos Jr sa paggigiit ng karapatan ng Pilipinas sa naturang karagatan. Ayon sa Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya (Pamalakaya), “mabagal at kulang ang aksyon sa pagpapatigil ng panghihimasok ng China sa ating karagatan.”
Giit ng mga mangingisda, “nasa atin ang lahat ng ligal, pulitikal, at istorikal na batayan para igiit ang ating pambansang soberanya.” Paliwanag pa ng grupo, “mismong internasyunal na korte na ang nagbigay ng hatol sa China na maysala ito sa pandarambong ng ating kalikasan dahil sa malawakang reklamasyon at malakihang tipo ng pangingisda sa ating karagatan.”
Noong 2016, inilabas ng PCA ng United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) ang desisyong kumakatig sa Pilipinas sa soberanong karapatan nito sa exclusive economic zone. “Pitong taon na matapos ang ating makasaysayang panalo sa Permanent Court of Arbitration (PCA), nananatili ang mga pasilidad pangmilitar ng China sa pitong artipisyal na islang itinayo nito sa Spratlys, habang may hindi bababa sa 50 barkong pandigma at pangisda ang kamakailan lamang namataang nagpapatrulya sa ating teritoryo,” pahayag ng grupo.
Anila, malaki ang epekto ng kainutilan ng administrasyon sa mga Pilipinong mangingisda na kung hindi man direktang dumanas ng pagtataboy mula sa China, ay nakakaranas ng intimidasyon sa simpleng presensya ng mga tauhan Chinese sa soberanong pangisdaan ng bansa.
Ibinahagi ng Pamalakaya na umaabot sa 70% ang nawawalang kita ng Pilipinong mangingisda sa kada palaot mula nang paigtingin ng China ang presensya nito sa Panatag Shoal (Scarborough Shoal) sa Zambales noong panahon ng administrasyong Duterte. “Kaya malaking bilang na rin ng mga mangingisda ang napilitang lisanin ang kanilang hanapbuhay sa dagat at humanap ng ibang pagkakakitaan,” anila.
Nakiisa rin ang Partido Komunista ng Pilipinas (PKP) sa pagggunita sa naturang desisyon at dapat umano itong panghawakan para igiit ang pambansang soberanya. Binatikos ni Marco Valbuena, upisyal sa impormasyon ng Partido, ang malamyang tindig ng rehimeng Marcos Jr sa karapatan ng bansa sa West Philippine Sea.
“Dapat gamitin ang arbitral ruling ng PCA para militante at independyenteng igiit ng mamamayang Pilipino ang karapatan ng Pilipinas sa West Philippine Sea sa diplomatikong pakikitungo sa China, at sa lahat ng larangan ng relasyong internasyunal,” ani Valbuena. “Sa halip, yumuyuko si Marcos sa China, habang binibigyang-daan ang papalaking presensya ng pwersang militar ng US, bagay na nagpapakulo ng armadong tensyong at nagpapalaki ng peligro ng digma.”
“Sa halip na itaguyod ang interes ng Pilipinas, dinadala ni Marcos ang bansa sa landas ng kapahamakan pagpapahamak dahil sa pangangayupapa nito sa US at pagyuko sa kapangyarihan ng China.”
“Dapat igiit ng Pilipinas ang soberanong karapatan nito at palayasin ang mga pwersang nabal at militar ng China at US sa West Philippine Sea at itulak ang demilitarisasyon ng karagatan,” dagdag pa ni Valbuena.
https://philippinerevolution.nu/angbayan/kawalang-aksyon-ni-marcos-sa-panghihimasok-ng-china-sa-west-philippine-sea-binatikos/

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.