July 13, 2023
Kinundena ng iba’t ibang grupo at organisasyon ang Anti-Terrorism Council (ATC) sa arbitraryong pagtatalaga nito sa anim na indibidwal bilang mga “terorista.” Inianunsyo ang designasyon noong Hulyo 10. Muling ipinanawagan ng mga grupo ang pagbabasura sa ATL sa kanilang protesta sa Commission on Human Rights noong Hulyo 11. Ang ATC ay konsehong binuo alinsunod sa Anti-Terrorism Law (ATL).
Sa bisa ng Resolution No. 41 ng ATC na inaprubahan noong Hunyo 7, itinalaga nitong “terorista” ang mga lider ng Cordillera People’s Alliance (CPA) na sina Windel Bolinget, Sarah Abellon-Alikes, Jen Awingan, at Steve Tauli, at mga pinangalanang sina Jovencio Tangbawan at May Vargas-Casilao.
Ayon sa CPA, “malinaw na ginagamit ang ATL bilang instrumento ng pagsikil sa pagtutol at pagtarget sa mga aktibista.” Binanggit din ng grupo na ang apat na lider ng CPA ay kabilang sa binansagang “Northern Luzon 7” na nanalo noong Mayo laban sa kasong ng gawa-gawang kasong rebelyon isinampa sa kanila sa isang korte sa Abra noong Enero. Nakaranas ang mga lider ng paulit-ulit na intimidasyon mula sa mga pwersa ng estado.
Sa atas ng ATC, inatasan nito ang Anti-Money Laundering Council na imbestigahan at i-freeze ang salapi at mga ang ari-arian ng mga pinangalanan. Ang anim na indibidwal ay dagdag sa 63 naunang itinalagang “terorista” ng ATC mula nang isinabatas ang ATL noong Hulyo 2020.
Sa nagdaang mga linggo, sunud-sunod at kabi-kabila ang paggamit sa naturang batas para sampahan ng gawa-gawang mga kasong may kaugnayan sa “terorismo” ang iba’t ibang personahe. Sa Southern Tagalog pa lamang, hindi bababa sa 15 ang bilang ng kinasuhan ng paglabag sa naturang batas. Naitala rin ang katulad na pagkakaso sa Bicol, Central Luzon at maraming bahagi ng Mindanao.
“Pinatutunayan [ng panibagong arbitraryong pagtatalaga ng ATC] ang nauna naming babala na ang batas ay maaaring abushin at aabusuhin para targetin ang mga aktibista, kritiko ng gubyerno, myembro ng mga progresibong kilusan at organisasyon, at kahit pa sinong ituturing na banta ng cluster sa pambansang seguridad [ng estado],” ayon kay Teddy Casiño, tagapangulo ng Bagong Alyansang Makabayan.
Dagdag pa ng grupo, ang designasyong ito ay panibagong serye ng panggigipit, panghaharas at pananakot sa anim para manahimik at itigil ang kani-kanilang adbokasiya at pakikibaka. “Iniipit sila para ipahiya sa publiko, diskriminasyon at pisikal na pag-atake. At lahat ng ito ay nang walang benepisyo ng pampublikong pagdinig o maayos na proseso,” dagdag pa ni Casiño.
Iginiit din ng grupo na dapat nang ibasura ang mapanupil na batas sa lalong madaling panahon.
https://philippinerevolution.nu/angbayan/pagtatalagang-terorista-sa-anim-na-indibidwal-kinundena/

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.