Thursday, June 22, 2023

CPP/NDF-Laguna: Dakilain ang ala-ala ni Gregorio “Ka Roger” Rosal! Sumapi sa Bagong Hukbong Bayan!

Propaganda statement posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Philippine Revolution Web Central (PRWC) Website (Jun 22, 2023): Dakilain ang ala-ala ni Gregorio “Ka Roger” Rosal! Sumapi sa Bagong Hukbong Bayan! (Great is the memory of Gregorio "Ka Roger" Rosal! Join the New People's Army!)
 


Malaya Asedillo | Spokesperson
NDF-Laguna

June 22, 2023

Ngayon, Hunyo 22, ay ang ika-12 na anibersaryo ng pagpanaw ni Gregorio Rosal, o mas nakilala ng sambayanang Pilipino bilang si Ka Roger. Lubos na nakilala siya bilang Tagapagsalita ng Partido Komunista ng Pilipinas at ng Bagong Hukbong Bayan mula 1994 hanggang sa pagpanaw niya noong 2011 dahil sa stroke.

Tubong magsasaka si Ka Roger sa lalawigan ng Batangas. Maaga siyang namulat sa tunay na kalagayan ng masang anakpawis at sa pyudalismo na araw-araw nilang sinasapit. Noong panahon ng rehimeng US-Marcos, yinakap ni Ka Roger at ng mga kapwa niyang kabataan-estudyante ang pambansa-demokratikong panawagan para sa pambansang pagpapalaya. Paglaon ay sumapi siya sa Bagong Hukbong Bayan at naging magiting na mandirigma nito.

Inialay ni Ka Roger ang talento niya sa pagpukaw, pag-organisa, at pagsulong ng demokratikong rebolusyong bayan. Naging mahusay na propagandista si Ka Roger at lubos na nakilala siya sa pagiging tagapagsalita ng Partido Komunista ng Pilipinas. Naging kilala siya sa larangan ng midya at palaging hinahanap ang kaniyang pahayag hinggil sa mga napapanahong isyu at tindig ng Partido.

Marapat lamang na kilalanin natin at dakilain ang rebolusyonaryong ambag ni Ka Roger. Nagpapatuloy ang matagalang digmang bayan dahil sa libu-libong mga katulad ni Ka Roger na handang mag-alay ng buong tapang, lakas, at kagalingan para sa sambayanang Pilipino.

Tulad ni Ka Roger, magpakahusay tayo sa gawaing propaganda. Patalasin natin ang pag-unawa natin sa teorya ng Marxismo-Leninismo-Maoismo habang aktibo nating linalapat ito sa praktika ng rebolusyong Pilipino. Suriin natin palagi ang nagbabagong mga kontradiksyon ng lipunan at hubugin natin ang sarili natin bilang mga mahusay na propagandista at edukador ng masang anakpawis.

Maging malikhain at mahusay tayo sa iba’t ibang porma ng propaganda. Gamitin natin ang lahat ng pamamaraan na mayroon tayo, luma man o bago, para abutin ang malawak na hanay ng masa. Maging dalubhasa tayo sa propagandang sinusulat, binibigkas, biswal, kultural, at iba pa. Higit sa lahat, himukin natin ang masa na lumahok sa kilusang propaganda at sa pag-ahita sa mas nakakarami pa na isulong ang matagalang digmang bayan.

Ang Bagong Hukbong Bayan ay hindi lamang hukbong militar. Ito ay isa ring hukbong pampropagranda at pang-organisa. Ang BHB ang pangunahing sandata ng mamamayan na nagsusulong ng demokratikong rebolusyong bayan, sa gabay ng Partido Komunista ng Pilipinas at sa teorya ng MLM.

Kung nais natin ipagpatuloy ang dakilang simulain ni Ka Roger, hikayatin natin ang pinakamalawak na hanay ng manggagawa, magsasaka, kabataan-estudyante, at iba pang sektor at ur na lumahok sa digmang bayan at sumapi sa Bagong Hukbong Bayan! Palakasin natin ang hanay ng BHB sa kanayunan at isulong ang rebolusyonaryong propaganda!

Mabuhay ang ala-ala ni Ka Roger! Mamamayan, isulong ang digmang bayan! Tumungo sa kanayunan, sumapi sa Bagong Hukbong Bayan!

https://philippinerevolution.nu/statements/dakilain-ang-ala-ala-ni-gregorio-ka-roger-rosal-sumapi-sa-bagong-hukbong-bayan/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.