June 22, 2023
Binweltahan ng mga estudyante ng Mindanao State University, kampus ng Iligan Institute of Technology, sa pangunguna ng STAND-IIT ang isinigawang seminar ng NTF-Elcac na naghasik ng takot at nandawit ng mga ligal na organisasyon at personalidad sa rebolusyonaryong kilusang lihim noong Hunyo 18.
Ayon sa pahayag ng STAND-IIT, dinaluhan ng mga upisyal ng TAC-O, isang grupong binuo sa ilalim ng programa ng ROTC ng kanilang pamantasan ang naturang kumperensya.
“Ipinapakita lang nito kung gaano kalala ang magiging itsura ng (panunupil sa loob ng pamantasan) kung maisasabatas na ang Mandatory ROTC Bill. Gagamitin lang ito ng NTF-ELCAC upang sanayin ang mga kabataan sa konta-insurhensyang taktika nito at ipagpatuloy ang lumalalang paglabag sa karapatang pantao.” anila.
Kinundena rin nito ang pagpapakalat ng mga litrato at malisyosong pambabansag ng NTF-Elcac sa kanilang mga dating miyembro at iba pang kasapi ng mga pambansa-demokratikong pang masang organisasyon bilang mga “terorista”.
“Ito ay malinaw na desperadong pamamaraan nila upang busalan ang mga hinaing ng mga kabataan at pagpapanagot nila sa kapabayaan ng rehimeng Marcos-Duterte na resolbahin ang krisis sa ekonomya at edukasyon. Takot ang rehimen sa mga kabataang kritikal at naghahangad ng tunay na panlipunang pagbabago.” dagdag pa nito.
Matatandaang Setyembre noong nakaraang taon ay may naganap na kaparehong insidente sa loob ng MSU-IIT na inilunsad naman sa oryentasyon ng National Service Training Program-ROTC.
Nananawagan sila sa lahat ng estudyante at administrasyon ng pamantasan na kundenahin at pigilang makapasok ang NTF-Elcac at mga sundalo sa loob ng kanilang pamantasan.
Samantala, iniulat noong Hunyo 19 ng grupong Anakbayan-Bulacan ang insidente ng red-tagging ng mga sundalo sa isang NSTP seminar ng mga psychology students ng National University sa kampus sa bayan ng Baliwag.
Tatlong paaralan naman sa Pasig City ang nilunsaran ng National Intelligence Coordinating Agency (NICA) at ng NTF-Elcac ng katulad na seminar sa Buting Senior High School, Kapitolyo High School, at Nagpayong High School ayon sa inilabas na ulat ng Sining na Naglilingkod sa Bayan – Pasig (SINAGBAYAN Pasig) noong Hunyo 14.
https://philippinerevolution.nu/angbayan/red-tagging-seminar-sa-msu-iit-kinundena/

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.