June 21, 2023
Napatay sa walang-patumanggang pamamaril ng 62nd IB ang dalawang magsasaka na sina Benjie Ebarle at Roweno Anubong sa Barangay Macagahay, Moises Padilla, Negros Occidental noong Hunyo 13. Pinalalabas silang mga mandirigma ng hukbong bayan para pagtakpan ang kanilang karumal-dumal na krimen.
Naganap ang pamamaril sa mga sibilyan matapos ang tatlong magkasunod na labanan sa pagitan ng yunit ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Central Negros sa katabing mga sityo na tinutuluyan ng dalawa. Tatlong sundalo ng 62nd IB ang napatay sa mga sagupaan.
Hindi na bago ang taktika ng 62nd IB na pumatay ng sibilyan matapos makaranas ng kabiguan sa mga sagupaan nito sa hukbong bayan. Sa unang taon ni Marcos Jr, 17 na ang pinatay ng 62nd IB. Kabilang dito ang tampok na kaso ng pagpatay sa mga 5-buwang buntis at menor-de-edad na mag-inang Jacolbe.
Samantala, inaresto ng mga sundalo si Aldren Valbueno, 20 anyos, residente ng Sityo Manta-uyan, Barangay Macagahay noong Hunyo 16. Kauuwi lamang ni Valbueno mula sa kanyang trabaho bilang trabahante sa konstruksyon nang dakpin ng mga sundalo. Pinalalabas ng mga ito na mayroong nakumpiskang kalibre .45 pistol at military pack mula kay Valbueno.
Ang pamamaril at pagpatay ng mga sundalo sa mga sibilyan na karaniwang magsasaka ay tahasang paglapastangan sa mga internasyunal na makataong batas, mga batas ng digma at iba pang internasyunal na deklarasyon na nagbibigay ng proteksyon sa mga sibilyan at di-kombatant saan man may armadong sigalot.
Ipinagbabawal sa ika-32 Artikulo ng Fourth Geneva Conventions ang anumang hakbang na magreresulta sa pagdurusang pisikal o pagpuksa sa mga taong nasa ilalim ng proteksyon nito. Anito “…hindi lamang ito aplikable sa pagpatay, tortyur, pananakit, mutilation (pagputol sa anumang bahagi ng katawan) …kundi maging sa iba pang pamamaraan ng brutalidad, gawa man ng ahenteng sibilyan o militar.”
Labag din ito sa Comprehensive Agreement on Respect for Human Rights and International Humanitarian Law (CARHRIHL) na pinirmahan ng Gubyerno ng Pilipinas at National Democratic Front of the Philippines.
https://philippinerevolution.nu/angbayan/dalawang-magsasaka-dagdag-sa-15-pinaslang-ng-62nd-ib-sa-nakaraang-12-buwan/

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.