June 21, 2023
Muling nanawagan ang Kapatid, grupo ng mga pamilya ng bilanggong pulitikal, na palayain si Gerardo dela Peña, 84, ang pinakamatanda sa 824 bilanggong pulitikal na nakakulong ngayon sa iba’t ibang piitan ng bansa. Anang grupo, simula pa 2019 itinutulak nila ang pagpapalaya kay Peña ngunit hanggang ngayon ay wala pa ring aksyon ng estado.
Si Peña, na may altapresyon at iba pang karamdaman, ay magsasakang tubong Vinzons, Camarines Norte na hinatulan ng reclusion perpetua sa gawa-gawang kasong pagpatay. Sampung taon na siyang nakakulong. Siya ay dating lider ng Samahan ng Ex-Detainees Laban sa Detensyon at Aresto (Selda) at kasapi ng Karapatan.
Unang iniapela ng Kapatid ang pagpapalaya sa kanya sa makataong mga batayan noong 2019 ngunit tinanggihan ito ng Korte Suprema at pinagtibay ang hatol sa kanya.
Samantala, ibinasura ng korte sa Muntinlupa ang kaso laban sa tatlong tsuper na nagpiket sa Alabang, Muntinlupa City sa kasagsagan ng transport strike noong Marso 7. Ayon sa grupong Piston, ibinasura ang kaso matapos paulit-ulit na hindi sumipot sa mga pagdinig ang mga nagsampa.
[Ang Bayan ("The People") is the official publication of the Communist Party of the Philippines, guided by Marxism-Leninism-Maoism. It is published by the Central Committee. AB comes out fortnightly every 7th and 21st of each month. The original Pilipino edition is translated into English, Bisaya, Waray, Hiligaynon and Iloco.]
https://philippinerevolution.nu/2023/06/21/palayain-ang-pinakamatandang-detenidong-pulitikal/

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.