June 21, 2023
Mahigit isang taon nang pultaym na Pulang mandirigma si Ka Daisy, isang transwoman. Panahon ng pandemya siya sumapi sa Bagong Hukbong Bayan (BHB), matapos ang tatlong taong pagkilos bilang myembro ng Kabataang Makabayan. Naalala niya, dalawang araw pa lamang siya bilang pultaymer, napasabak na ang kanyang yunit sa labanan.
Ngayon, giyang pampulitika na sa iskwad si Ka Daisy, na tinatawag din ng ilang kasama na “Inday.” Bilang upisyal, tinitiyak niya ang pagpapalakas ng organisasyon. Kasama siya sa nagbabalangkas ng plano at programa at nagtitiyak naipapatupad ang mga ito. Gumagampan din siya sa pang-araw-araw na gawaing teknikal mula sa pag-iigib ng tubig, pagluluto, at paghahakot ng suplay.
“Buo ang respeto ko kay Ka Daisy,” pahayag ni Ka Alas, iskwad-lider. “Bukod sa matulungin, mahusay pang magturo. Mula nang idineploy siya rito, siya na ang nagtuturo sa akin ng LitNum (literacy/numeracy). Dahil sa may edad na rin ako, minsan nakakalimutan ko ang kanyang tinuro, pero hinihikayat pa rin ako ni Inday na matuto.”
Mainit ang pagtanggap ng mga kasama kay Ka Daisy noong siya’y bagong rekrut pa lamang. Sa kanyang panig, mabilis siyang nakaangkop sa mga regulasyong militar ng BHB.
“Bago pa ako pumasok sa yunit, may oryentasyon na ang mga kasama kaugnay sa aking kasarian. Binigyan din sila ng pag-aaral hinggil sa mga pakikibaka ng LGBT,” ani Ka Daisy. Sa kanyang yunit, idinagdag ng mga instruktor ang hinggil sa LGBT sa pagbibigay ng batayang oryentasyong militar. Ito ay para mabaka ang maling mga pananaw at pagturing sa LGBT. Bagamat lumilitaw pa rin ang mga maling pananaw, kolektibong natutunggali ang mga ito sa maayos at mapagkasamang paraan.
Tulad ng ibang kasama, kaya ni Ka Daisy na pasanin ang mabibigat na gamit. Laman ng kanyang bag ang nakaimprentang mga babasahin tulad ng Ang Bayan at iba pang mga dokumento at libro, gamit kusina, suplay at gadyet. Nakahalo rin doon ang kanyang make-up kit.
“Sa tuwing naglulunsad kami ng gawaing masa, namamahagi kami ng mga dokumento, tulad ng AB, para ma-update ang masa sa mahahalagang usapin sa lipunan,” aniya.
Kung tatanungin ang mga kasama sa bilang ng babae sa yunit, kasama sa bilang si Ka Daisy. Malayo ito sa karanasan niya noong nag-aaral pa lamang siya sa isang Katolikong eskwelahan. Dumanas siya ng rekstriksyon at diskriminasyong nakabatay sa kanyang kasarian. Hindi siya maaaring magsuot ng gusto niyang damit at kinailangan niyang gupitin ang kanyang mahabang buhok.
Sa loob ng BHB, masaya si Ka Daisy na maging bahagi sa pagpapanday ng isang lipunang mapagmahal at mapagkalinga sa tulad niyang transwoman. Para sa kanya, hindi usapin ang kasarian sa pagrerebolusyon. Hindi ito hadlang at mas lalong hindi ito ang batayan. Hindi ito usapin ng pakikipagsabayan. Sapat nang nakalaan ang puso at panahon para maglingkod sa rebolusyon.
“Bilang kabataang LGBT, mahalaga ang papel natin sa pagpapatuloy sa rebolusyon. Para mabago ang pagtingin sa atin ng lipunan, kailangan nating baguhin ang lipunan,” aniya.
Sa rebolusyon, malayang naipapahayag ni Ka Daisy ang kanyang tunay na damdamin. Noong ika-50 anibersaryo ng National Democratic Front of the Philippines, nanguna siya sa pagtataguyod ng selebrasyon sa larangan. Nagsilbi syang tagapagpadaloy ng programa at tagapagpalamuti ng benyu. Kasama rin siya sa naging instruktor sa pagsayaw at pagkanta sa inihandang mga pangkulturang pagtatanghal. Dahil espesyal ang okasyon, nag-ayos si Ka Daisy gamit ang lipstick, face powder at eyeliner.
Daan-daang magsasaka sa kalapit na mga baryo ang kanilang naging mga panauhin.
Sa eryang kinikilusan ni Ka Daisy, may mangilan-ngilan ding myembro ng LGBT na nakapaloob sa batayang organo ng Partido sa baryo. Aktibo sila sa pangkulturang pagtatanghal at bukas na makasalamuha ang mga Pulang mandirigma.
Di akalain ni Ka Daisy na makakatagpo siya ng kapwa niya myembro ng LGBT na isang Pulang mandirigma rin.
“Noon ko pa nababalitaan na tanggap sa BHB ang tulad kong nabibilang sa LGBT. Sa wakas, masaya ako’t may nakasalamuha ring nagmula sa komunidad. Akala ko’y ako lang ang napadpad rito,” biro ni Ka Daisy.
Tunay ngang sa kilusan, pantay ang karapatan at responsibilidad ng lahat. Sa lipunang mapang-api at mapanghusga sa mga LGBT, sa rebolusyon lamang sila nakaranas ng tunay na kalayaang “rumampa”.
[Ang Bayan ("The People") is the official publication of the Communist Party of the Philippines, guided by Marxism-Leninism-Maoism. It is published by the Central Committee. AB comes out fortnightly every 7th and 21st of each month. The original Pilipino edition is translated into English, Bisaya, Waray, Hiligaynon and Iloco.]
https://philippinerevolution.nu/2023/06/21/ang-pagiging-transwoman-sa-hukbong-bayan/

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.