June 21, 2023
Napatay ng mga Pulang mandirigma ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Central Negros ang tatlong sundalo ng 62nd IB noong Hunyo 13 ng alas-9 ng umaga sa Sityo Cupad, Barangay Macagahay, Moises Padilla, Negros Occidental. Bunsod ito ng operasyong kontra-reyd ng yunit laban sa umaatakeng tropa ng sundalo. Walang kaswalti sa hanay ng mga Pulang mandirigma.
Ayon sa ulat ng yunit, tinangkang ireyd ng mga sundalo ang temporaryong kampo ng BHB sa naturang lugar. Mula sa bentaheng tereyn, napasabugan ng dalawang granada ang umaatakeng mga sundalo na naging dahilan ng pagkamatay ng ilang tropa.
Sa pag-atras ng yunit, muli nilang kasagupa ang mga sundalo ng 62nd IB at nagawang mapatamaan ang tropa ng kaaway. “Marami pang kaswalti sa hanay ng militar dahil sa nangyaring cross-fire sa kanilang hanay,” paliwanag pa ng BHB-Central Negros.
Samantala, pinasubalian ng yunit ang balita na mayroong dalawang Pulang mandirigmang napatay sa magkakasunod na labanan. Anila, hindi mga mandirigma ang ipinrisenta ng 62nd IB na napatay sa lugar kundi ang mga sibilyang sina Benjie Ebarle at Roweno Anubong na natamaan ng bala sa walang-patumanggang pamamaril ng mga pasista.
https://philippinerevolution.nu/angbayan/3-tropa-ng-62nd-ib-napatay-sa-kontra-reyd-ng-bhb-central-negros/

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.