Thursday, June 22, 2023

CPP/Ang Bayan: Koresponsa//Pang-aagaw ng lupa, tumitindi sa Masbate

Propaganda article from the Tagalog language edition of Ang Bayan posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Philippine Revolution Web Central (PRWC) Website (Jun 21, 2023): Koresponsa//Pang-aagaw ng lupa, tumitindi sa Masbate (Correspondence//Land grabbing, intensifying in Masbate)
 





June 21, 2023

Sa pagpasok ng 2023, hinagupit ang mga magsasaka sa Masbate ng pinatinding pang-aagaw ng lupa na gawa ng malalaking rantsero, burges-kumprador at burukraang-kapitalista sa prubinsya. Kabilang sa kanila ang mga dati at bagong alipures ng pamilyang Marcos.

Tuluyan nang pinalayas ng gubernador sa Masbate na si Antonio T. Kho ang mga magsasaka mula sa 550-ektaryang lupain ng Rantso Pecson sa bayan ng Cawayan . Maging ang kalapit na mga pribadong lupa ay hindi nakaligtas sa malawakang pang-aagaw ng gubernador. Nilagyan ng bakod at tinayuan ng detatsment ng militar ang Sityo Calmad, Barangay Madbad sa naturang bayan para pigilan ang pagbabalik ng mga magsasaka.

Sinakop din ng itinayong hybrid solar energy power plant ng kumpanyang D.M. Consunji Inc. (DMCI) ang ekta-ektaryang lupain sa prubinsya.

Nagpapatuloy din sa mga bayan ng Dimasalang at Palanas, ang pangangamkam ng lupa ng kumpanyang Empark para sa 1,854-ektaryang negosyong ekoturismo na Masbate International Tourism Enterprise and Special Economic Zone.

Liban dito, maraming magsasaka sa prubinsya ang naitulak na ibenta o isangla ang kanilang lupang sinasaka upang may maipambayad sa mga usurerong kumpanya sa lending at microfinance. Maraming maliliit at nagsasariling nagsasakang pamilya ang naging mga mala-proletaryado o manggagawang-bukid.

Para supilin ang lumalabang mga magsasaka, itinatayo sa Barangay Panicijan, Uson ang bagong hedkwarters ng 2nd IB. Tagabantay ang mga pwersa nito sa nagbabadyang ekspansyon ng malaking dayuhang mina na Filminera. Sasaklawin ng kumpanya ang 1,755 ektaryang kabundukang sakop ng mga bayan ng Mobo, Milagros at Uson.
Ang huwad at militaristang pamamahagi ng lupa

Ipinapatupad ngayon sa Masbate ang kontra-rebolusyonaryong programang agraryo sa pamamagitan ng Executive Order No. 75, series 2019 (EO 75, s. 2019), at programang Support to Parcelization of Lands for Individual Titling o SPLIT.

Umaabot na sa 3,000 ektarya sa 9,000 ektaryang target ang naipamahagi sa ilalim ng programang SPLIT. Saklaw nito ang lupa ng rantsong Triple A na dati nang tinarget sa bigong pakanang agribisnes na Masbate Agro-Industrial Growth Corridor o MAGIC at ang isla ng Deagan. Sadyang pinaghiwa-hiwalay ang mga titulo para mas madali maagaw ng interesadong mga negosyante ang mga lupa mula sa indibidwal na mga magsasaka.

Sa pagpapatupad ng EO 75, s. 2019, sa ilalim ni Marcos Jr, inaagaw mula sa tunay na mga benepisyaryo ang mga lupang naipamahagi na upang ipamahagi ang mga ito sa mga rebel returnee at mga pamilya ng retiradong militar at pulis. Isa ang Hacienda Yulo sa Barangay Matagbac, Milagros sa mga isinailalim sa militaristang programa.

Kabilang sa pinuntirya ng gubyerno na isailalim sa peke at huwad na repormang agraryo ang mga lupaing ipinaglaban ng mga magsasakang Masbatenyo mula sa kamay ng mga lokal na asyendero at rantsero sa prubinsya. Ito rin ang mga lupaing sinikwester ng gubyerno mula sa pamilyang Marcos na balak muling agawin at pagtayuan ng mga negosyo ni Marcos Jr.

Ang pananatili ng paghaharing rantsero

Sa ilalim ng 35 taon ng pagpapatupad ng huwad na reporma sa lupa sa prubinsya, lalupang nawalan ng lupa ang mga Masbatenyo. Ginamit lamang ng lokal na naghahari dito ang programa para sa malawakang pagpapalit-gamit ng lupang agrikultural at ipadeklara ang mga lupang produktibo tungong mga pastuhan, timberland at kagubatan. Dahil dito, isa ang Masbate sa may pinakamababang distribusyon ng lupa sa ilalim ng CARP.

Nananatili ang pagrarantso bilang pangunahing paraan ng lokal na naghaharing-uri upang mapanatili ang kontrol sa lupa. Higit kalahati ng 400,000 ektaryang lupain ng Masbate ay saklaw ng mga rantso, na pag-aari ng 150 pamilya lamang.

Karamihan sa mga rantsong ito, na iniligtas sa pamamahagi, ay inoopereyt bilang mga plantasyon ng niyog. Ginagamit ding panabing ang mga pastuhan para sa mga operasyong mina, kwari, ekoturismo, planta ng kuryente at agribisnes.

[Ang Bayan ("The People") is the official publication of the Communist Party of the Philippines, guided by Marxism-Leninism-Maoism. It is published by the Central Committee. AB comes out fortnightly every 7th and 21st of each month. The original Pilipino edition is translated into English, Bisaya, Waray, Hiligaynon and Iloco.]

https://philippinerevolution.nu/2023/06/21/pang-aagaw-ng-lupa-tumitindi-sa-masbate/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.