June 21, 2023
Protestang manggagawa. Pinangunahan ng mga manggagawa ng Gardenia Bakeries Philippines at Philfoods Fresh Baked Products ang protesta sa Sta. Rosa, Laguna noong Hunyo 6 upang batikusin ang nagpapatuloy na panggigipit ng NTF-Elcac sa mga manggagawa sa rehiyon. Kinundena nila ang panibagong serye ng harasment at pagpasok ng mga sundalo sa kanilang mga pabrika para mang-red-tag ng mga unyonista sa mga inilulunsad nilang mga seminar. Noong Hunyo 15, nagsampa ang mga manggagawa ng reklamo sa Commission on Human Rights para panagutin ang sabwatan ng may-ari ng Gardenia at mga pwersa ng estado sa panggigipit sa kanila.
Araw ng kawalang kalayaan. Naglunsad ng koordinadong protesta ang mga progresibong grupo sa Metro Manila, Southern Tagalog at Davao noong Hunyo 12 upang gunitain ang ika-125 huwad na “Araw ng Kalayaan.” Kinundena nila ang panghihimasok ng dalawang nag-uumpugang imperyalista sa teritoryo at mga internal na usapin ng bansa. Anila, hindi tunay na malaya ang Pilipinas dahil patuloy itong kinukubabawan ng imperyalismong US.
Ilitaw sina Dexter at Bazoo! Sa ika-40 araw ng sapilitang pagkawala nina Gene “Bazoo” De Jesus at Dexter Capuyan noong Hunyo 7, kinalampag ng iba’t ibang grupo ang Camp General Servillano A. Aquino sa Tarlac upang igiit ang paglilitaw sa kanila. Kasamang nagprotesta ang mga kamag-anak at kaibigan ng dalawa na binansagang Taytay 2 na pinaniniwalaang nasa kustodiya ng militar. Ang naturang kampo-militar ay hedkwarters ng Northern Luzon Command ng Armed Forces of the Philippines.
Kaarawan ni Rizal. Sinabayan ng kilos protesta ng kabataan-estudyante mula sa iba’t ibang pamantasan ang paggunita sa ika-162 kaarawan ni Jose Rizal noong Hunyo 19 sa tapat ng Commission on Higher Education. Panawagan nilang ibasura ang Mandatory ROTC, Tuition and Other School Fees Increase (TOFI) sa mga pribadong pamantasan, at pagkaltas sa badyet ng mga pampublikong unibersidad.
[Ang Bayan ("The People") is the official publication of the Communist Party of the Philippines, guided by Marxism-Leninism-Maoism. It is published by the Central Committee. AB comes out fortnightly every 7th and 21st of each month. The original Pilipino edition is translated into English, Bisaya, Waray, Hiligaynon and Iloco.]
https://philippinerevolution.nu/2023/06/21/mga-protesta-106/

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.