June 21, 2023
Muling tinuligsa ng mga magsasaka mula sa Central Luzon at Southern Tagalog sa ilalim ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas at ibang grupong magsasaka ang hungkag na reporma sa lupa na Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) sa okasyon ng ika-35 anibersaryo nito noong Hunyo 10. Tumungo sila sa Maynila upang kalampagin ang rehimeng Marcos Jr sa napakong mga pangako ng batas at kawalan ng aksyon nito sa samutsaring usapin ng mga magbubukid sa buong bansa. Kasabay nito, panawagan nila ang hustisya sa mga magsasakang naging biktima ng panunupil ng estado dahil sa kanilang pakikipaglaban sa karapatan sa lupa.
Nagsilbi at patuloy na nagsisilbi sa interes ng mga panginoong maylupa at korporasyon ang CARP. Pinahirapan nito ang mga magsasaka para makapagmamay-ari ng binubungkal nilang lupa habang pinadali ang pagkamkam ng lupa ng mga panginoong maylupa at negosyante.
Hindi maitatago ang katotohanang lumala ang kawalan ng lupa sa kabila ng pagpapatupad ng batas. Ayon sa datos ng Census on Agriculture and Fisheries, mula 1980 hanggang 2012, bumaba nang 12% ang bilang ng mga magsasakang may sariling lupa. Sa buong bansa, tuluy-tuloy ang pakikibaka ng mga magsasaka para sa lupang kunwa’y ipinailalim sa CARP pero hanggang ngayon ay hindi naipamahagi sa kanila. Ilan lamang sa mga ito ang sumusunod:
Hacienda Tinang, Concepcion, Tarlac
Sa higit tatlong dekada nang paglaban ng mga magsasakang benepisyaryo sa 200-ektaryang lupa sa Hacienda Tinang, sa Concepcion, Tarlac, ngayon lamang pormal na maglalabas ang Department of Agrarian Reform (DAR) ng titulo ng lupa. Sa 236 na orihinal na nabigyan ng Certificate of Land Ownership Award (CLOA) noong 1995, 90 benepisyaryo na lamang ang makatatanggap ng titulo.
Kasabay nito, tuluy-tuloy rin ang kanilang panawagan para tuluyan at permanenteng maibasura ang mga gawa-gawang kasong kriminal laban sa mahigit 100 magsasaka at kanilang mga tagasuporta na lumahok sa bungkalan noong Hunyo 9, 2022.
Mallig, Isabela
Panawagan ng mga magsasaka at maralitang naninirahan sa Sityo Villa Corazon, Barangay Manano, Mallig, Isabela na ipamahagi ang 625-ektaryang pampublikong lupa na kanilang sinasaka at tinitirhan. Anila, 60 taon na itong napakinabangan ng angkang Marcela Uy na binigyan ng permit para mag-opereyt ng isang pastuhan. Matapos mawalan ng bisa ang permit, binungkal at tinirahan ang lupa ng mga maralitang magsasaka at setler.
Halos 30 taon nang nakatira ang mga magsasaka sa lupa nang muling iginawad ito ng estado sa mga Uy noong 2017. Ginamit ni Uy, kasabwat ang lokal na upisina ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), ang National Greening Program para maagaw muli ang lupa. Batid ng mga magsasaka na ginawa ang pagreklasipika sa lupa bilang forest land para ipagkait ito sa kanila dahil iniwan itong nakatiwangwang ni Uy. Kinasuhan pa ng DENR ang mga magsasaka.
May katulad na kaso ng pagpapalayas at panggigipit sa katabing Barangay Trinidad, Mallig kung saan pinaghati-hatian ng malaking pulitiko ang 200-ektaryang lupang nireklasipika.
Angandanan, Isabela
Daang tenante sa Manolito Arellano Tombo Estate sa Cauayan City, Isabela, ang pinatalsik sa kanilang mga sakahan ng mga armadong tauhan ng panginoong may lupa noong Hulyo 2021. Ito ay matapos silang tumangging ibenta ang kanilang lupang ipinamahagi na sa kanila.
Taong 2012 nang mapailalim ang 23-ektaryang lupain sa naturang lugar sa CARP. Pitong taon na nang matapos ng DAR ang pagtukoy sa lehitimong mga benepisyaryo ng programa pero hanggang ngayon, hindi pa rin naipapamahagi ang lupa. Sa halip, naglabas ng pekeng Certificate of Non-Coverage ang lokal na upisina ng ahensya para mabenta ang lupa sa iba.
Tumauini, Isabela
Halos isang dekada nang naghihintay ang matatandang magsasaka ng Tumauini, Isabela sa resolusyon ng DAR para matituluhan ang lupang kanilang sinasaka at mapawalang-bisa ang mga emancipation patent (EP) na ibinigay ng ahensya sa di nagmamay-ari ng lupa. Isinisisi ng DAR ang maling pagbibigay ng EP sa pagkasunog ng lumang mapa ng DENR sa Region 2 .
Ang 43-ektaryang lupa ay orihinal na pagmamay-ari ni Abelardo Quina. Noon pang 1960 pinayagan ang ilang magsasaka na magbungkal sa ilang bahagi nito. Imbes na tuluyang igawad ang lupa sa mga magbubungkal, ibinenta ito ni Quina sa isang panginoong maylupa, kasabwat ang DAR. Pinalalayas ngayon ang mga magsasakang deka-dekada nang nagbubungkal dito kung hindi sila makapagbayad ng upa.
[Ang Bayan ("The People") is the official publication of the Communist Party of the Philippines, guided by Marxism-Leninism-Maoism. It is published by the Central Committee. AB comes out fortnightly every 7th and 21st of each month. The original Pilipino edition is translated into English, Bisaya, Waray, Hiligaynon and Iloco.]
https://philippinerevolution.nu/2023/06/21/lumalalang-kawalang-lupa-ng-mga-magbubukid/

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.