May 07, 2023
Inilunsad ng mga demokratiko at rebolusyonaryong organisasyong masa ang mga pagdiriwang at pagtitipon sa buong bansa at maging sa ibayong dagat para gunitain ang ika-50 anibersaryo ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) noong Abril 24. Kasabay nito, pinarangalan ng mga grupo ang mga martir ng rebolusyong Pilipino kaugnay ng Linggo ng Paggunita at Pagpaparangal sa Mga Bayani at Martir ng Sambayanang Pilipino mula Abril 17 hanggang 24, na taunan nang isasagawa.
Parangal kina Ka Laan at Ka Bagong-tao
Isinagawa ng mga yunit ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) ang tahimik na 21-gun salute, alinsunod sa atas ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Pilipinas at Pambansang Kumand sa Operasyon ng BHB, bilang parangal at para bigyan ng pagkilala sina Benito Tiamzon (Ka Laan), yumaong Tagapangulo ng Komiteng Tagapagpanap ng Komite Sentral, at Wilma Austria-TIamzon (Ka Bagong-tao), Pangkalahatang Kalihim ng Partido.
Binasa at tinalakay ng mga Pulang kumander at mandirigma ang pahayag ng parangal para kina Ka Laan at Ka Bagong-tao na inilabas ng Kawanihan sa Pulitika ng Komite Sentral. Tinalakay sa parangal ang rebolusyonaryong simulain ng mag-asawang Tiamzon, kanilang mga kontribusyon at ang dakilang pamumuno sa Partido sa nagdaang mga dekada.
Sa paunang ulat na natanggap ng Ang Bayan, nakapaglunsad ng 21-gun salute ang mga yunit ng BHB sa Central Luzon, Southern Tagalog, sa Bicol, Panay, Negros, North Central Mindanao at Northeastern Mindanao.
Pinarangalan din ng mga alyadong organisasyon ng NDFP sina Ka Laan at Ka Bagong-tao. Naglabas ng pahayag ang mga balangay ng Makabayang Kilusan ng Bagong Kababaihan, Cordillera People’s Democratic Front, Pambansang Katipunan ng mga Magbubukid, Liga ng Agham para sa Bayan, Pambansang Samahan ng Makabayang Tsuper, Katipunan ng mga Samahang Manggagawa, Compatriots, Kabataang Makabayan, Christians for National Liberation at iba pang organisasyon.
Nakiramay at nagpaabot ng pagpupugay ang iba’t ibang organisasyon at partido mula sa Ireland, China, Turkey, Palestine, Paris, Rojava, Germany, Switzerland at iba pang mga lugar. Ang ilan sa kanila ay nagsagawa rin ng mga pagtitipon para parangalan sina Ka Laan at Ka Bagong-tao.
Noong Abril 24, inilunsad ng mga pambansa-demokratikong organisasyon sa ilalim ng Bagong Alyansang Makabayan ang isang programa na nagpugay kina Ka Laan at Ka Bagong-tao at lahat ng mga martir ng rebolusyong Pilipino sa nagdaang limang dekada. Umabot sa 1,200 ang dumalo sa programang inilunsad sa loob ng University of the Philippines-Diliman sa Quezon City.
Iba pang pagtitipon at aktibidad
Liban sa mga pagtitipon ng masa at hukbong bayan sa mga larangang gerilya, at mga lihim na aktibidad ng mga kasapi ng lihim na rebolusyonaryong organisasyong masa sa Pilipinas, inilunsad din ang dalawang araw na aktibidad ng NDFP sa Kurdish Democratic People’s Center sa The Hague, Netherlands mula Abril 22 hanggang 23.
Sa pagtitipon, nagbigay ng talumpati si NDFP Peace Negotiating Panel Interim Chairperson Julie de Lima. Tinalakay sa aktibidad ang pagsulong ng NDFP mula sa pagkakabuo nito ilang buwan matapos ang deklarasyon at pagpapataw ng batas militar sa Pilipinas. Dumalo sa naturang programa ang mga kaibigan ng rebolusyong Pilipino mula sa The Netherlands, Belgium, Germany, Norway, Spain, France Kurdistan, Turkey, Palestine, China, the US, Canada, Asia-Pacific, Korea, New Zealand, Colombia at Eritrea.
Nagtipon din ang may 80 migranteng kasapi ng NDFP-Australia at mga nakiisang organisasyon para ipagdiwang ang ginintuang anibersaryo.
Samantala, naglunsad ng iglap-protesta sa EDSA sa Cubao, Quezon City ang tinatayang 300 kasapi ng NDFP bilang paggunita sa ika-50 anibersaryo ng NDFP noong Abril 17. Inilunsad ng mga grupo ang kanilang programa alas-8 ng umaga sa Cubao Rotonda.
Malawakang inilunsad ng mga balangay at alyadong organisasyon ng NDFP ang mga operasyong-pinta at operasyong-dikit sa maraming bahagi ng bansa para itanghal ang ginintuang anibersaryo ng NDFP at ang 12-puntong programa nito.

[Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines and is issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and views on current issues. Ang Bayan comes out fortnightly and is published in Pilipino, Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.]
https://philippinerevolution.nu/2023/05/07/mga-pagdiriwang-sa-ika-50-anibersaryo-ng-ndfp-inilunsad/

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.