May 07, 2023
Nagsilbi ang byahe sa US at pakikipagpulong ni Marcos kay President Biden para sementuhin ang estratehiya ng US na gamitin ang Pilipinas bilang kuta sa Asia-Pacific. Bahagi ito ng pinag-ibayong pagpapataw ng hegemonya sa rehiyon sa pamamagitan pagpapalawak ng presensyang militar. Binubuksan nito ang bagong yugto sa kasaysayan ng Pilipinas bilang malakolonya ng US.
Ilang linggo bago bumyahe, lubos na sinang-ayunan ni Marcos ang plano ng US na magtayo ng apat pang base militar (dagdag sa unang lima) sa ilalim ng Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA), at ilang araw matapos isagawa ng US ang Balikatan war exercises sa Pilipinas, isa sa pinakamalaking pagpapakitang-lakas militar sa nagdaang mga taon.
Labis ang pagkalugod ni Biden sa pakikipagtulungan ni Marcos sa estratehiyang geopulitikal ng US. Sinabi niya kay Marcos, “wala akong maisip na mas mahusay na katuwang kaysa sa iyo.” Isa itong tuwirang pag-endorso sa pasista at korap na rehimen ni Marcos at pagsuporta sa brutal na gera ng panunupil. Bilang ganti, tiniyak ni Marcos sa US na magsisilbi ang Pilipinas na isa sa susing kawing sa estratehiyang First Island Chain ng pagpalibot ng US sa China at pang-uudyok ng armadong tunggalian.
Binuo sa byahe ni Marcos ang US-Philippines Bilateral Defense Guidelines. Pinagtibay nito ang Mutual Defense Treaty, Visiting Forces Agreement (VFA), EDCA at iba pang hindi pantay na kasunduang militar sa pagitan ng US at Pilipinas. Lalo nitong itinali ang Pilipinas sa patakarang panlabas at pandepensa ng US. Ang kaaway ng US ay magiging kaaway ng Pilipinas. Panandang-bato ito ng lalong mahigpit na kontrol at dominasyon ng US sa Pilipinas. Kaakibat nito ang mga binuong kasunduan at programa para patibayin lalo ang dominasyon ng US sa ekonomya at kultura.
Inulit ng US sa Guidelines ang “suporta para sa modernisasyon ng AFP” na matagal nang programa para gawin palaasa ang militar ng Pilipinas sa US. Ginagamit ito ng US para makuha ang katapatan ng mga heneral sa pamamagitan ng malalaking kikbak sa mga kontratang militar ng gubyerno. Itinatambak ng US ang mga sobrang pinaglumaang kagamitang militar para sa kontra-insurhensya.
Pakay din ng binuong Guidelines na “pagtibayin ang mga prayoridad sa depensa” na alinsunod sa layong “interoperability” para palakasin ang kumand at kontrol ng US sa AFP. Layunin ng Balikatan at daan-daang pagsasanay na buong-taong ginagawa ng US at AFP para epektibong gawing magamit ng militar ng US bilang sarili nitong pwersa ang militar ng Pilipinas.
Ang bisita ni Marcos ay nagsilbi rin para itulak ang dominasyong ng US sa ekonomya ng Pilipinas at agresibong itulak ang malalaking kapitalistang Amerikano na mamuhunan at kumamkam nang tubo mula sa pagsasamantala sa murang lakas-paggawa at pagsasamantala sa libreng-buwis at iba pang pang-akit ni Marcos. Inalok ng mga kasama ni Marcos na malalaking burgesyang komprador ang sarili nila bilang katuwang ng kapitalistang Amerikano, kabilang ang mga kumpanyang US na gumagawa ng hindi pa subok na enerhiyang nukleyar.
Inianunsyo rin ng gubyernong US ang planong maglaan ng malaking pondo para palawakin ang mga programa para ikintal ang Pax Americana na pananaw sa daigdig, laluna sa mga estudyante at kabataang Pilipino. Mahigit $100 milyon ang gagastusin sa susunod na sampung taon para palawakin ang mga programang scholarship tulad ng Fulbright, mga palitan ng estudyante, “youth leadership training,” at pagbubuo ng “samahan sa pagkakaibigan,” pati na mga programa ng USAID para sa pagbubuo ng kurikulum, pagsasanay ng mga guro, pagtatayo ng imprastrukturang pang-edukasyon, at iba pa. Ang laki ng pondong ito ay tanda ng pagpapalawak at pagpapaigting ng kampanya ng US na saklutin ang isip ng mga Pilipino.
Ang bisita ni Marcos sa US ay marapat na binatikos ng mga pwersang patriyotiko at demokratiko ng mamamayang Pilipino. Inilantad nila ang pagpapakatuta ni Marcos at tinuligsa ang pakikipagsabwatan niya sa iskema ng US na palakasin ang hegemonya at lakas militar sa Asia. Binatikos nila ang pang-uupat ng US ng inter-imperyalistang armadong tunggalian sa China na may panganib na humila sa Pilipinas sa gerang taliwas sa interes ng bansa at peligro sa buhay at kalayaan ng sambayanan.
Ang itinatayong mga base militar ng US sa Pilipinas sa ilalim ng EDCA, at iba pang lihim o di inianunsyong mga pasilidad, ay mga garapal na simbolo ng panghihimasok at dominasyon ng US. Inuudyok nito ang patriyotikong galit ng sambayanang Pilipino. Tumataas ang kanilang kamulatan sa matagal nang hindi pantay na relasyon ng US at Pilipinas—sa pagitan ng imperyalistang kapangyarihan at ng bansang ginupo, na umiiral mula nang “ibigay” ang huwad na kalayaan noong 1946, matapos ang halos kalahating siglo ng paghaharing kolonyal.
Walong dekada nang nakasadlak sa katayuang malakolonyal ang Pilipinas. Kasabwat ang lokal na malalaking burgesyang komprador at panginoong maylupa, dinambong ng mga monopolyo kapitalistang Amerikano ang yaman at rekurso ng Pilipinas at inilugmok ang ekonomya sa pagkaatrasado at hindi makapagsarili. Ang katayuang malakolonyal ng Pilipinas ay pinananatili ng mga hindi pantay na kasaunduan sa ekonomya, kalakalan at militar at sa pamamagitan ng armadong panunupil ng estadong papet ng US.
Lumalakas ang sigaw ng bayan na wakasan ang MDT, VFA, EDCA, at pati na ang Bilateral Defense Guidelines, sampu ng mga di pantay na kasunduang nagtatali sa Pilipinas sa dayuhang patakaran at mga gera ng US.
Dapat patuloy na lumaban ang sambayanang Pilipino, laluna ang kabataang Pilipino, para sa tunay na kalayaan at demokrasya at makibaka para wakasan ang malakolonyal na katayuan ng bansa. Dapat magpunyagi sila sa landas ng pambansa-demokratikong pakikibaka na binagtas na ng ilang henerasyon ng mga Pilipino para makamit ang hindi nagmamaliw na adhikain ng sambayanang Pilipino para sa pambansa at panlipunang paglaya.

[Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines and is issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and views on current issues. Ang Bayan comes out fortnightly and is published in Pilipino, Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.]
https://philippinerevolution.nu/2023/05/07/bagong-yugto-ng-paghaharing-us-matapos-ang-pulong-ni-marcos-biden/

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.