Saturday, May 6, 2023

CPP/Ang Bayan: Kumperensya ng NDF-Ilocos, idinaos

Propaganda article from the Tagalog language edition of Ang Bayan posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Website (May 7, 2023): Kumperensya ng NDF-Ilocos, idinaos (NDF-Ilocos Conference, held)




May 07, 2023

Sa pangunguna ng Partido Komunista ng Pilipinas, nagtipon ang mga kasapi ng Pambansang Katipunan ng mga Magbubukid at Christians for National Liberation sa Ilocos upang ipagdiwang ang ika-50 anibersaryo ng NDFP noong Abril 24. Pinarangalan nila sina Ka Laan at Ka Bagong-tao at nagdaos ng kumperensya upang isulong ang anti-imperyalista, anti-pyudal at anti-pasistang pakikibaka ng masang Ilokano.

Kasabay ng paggunita, idinaos ang isang kumprerensya ng rebolusyonaryong mga magsasaka, mangingisda, pambansang minorya at taong-simbahan upang payamanin at buuin ang mga panlipunang pagsisiyasat at pagsusuri sa uri ng kasalukuyang kalagayan sa ekonomya at pulitika ng Ilocos.

Tampok na tinukoy ang pagdagsa at pagpapalawak ng mga proyekto para sa renewable energy lalo na sa Ilocos Norte na nagbubunsod ng malawakang pangangamkam ng mga sakahan ng mga magsasaka at lupang ninuno ng tribung Yapayao, Isnag, Balangon at Kankanaey. Kaakibat ng mga proyektong ito ang malawakang pagkasira ng kagubatan na naghahatid ng mga landslide. Inaagaw din maging ang mga pangisdaan ng maliliit na mangingisda sa planong pagtatayo ng offshore windmills.

Tinukoy ng kumperensya bilang usapin sa rehiyon ang pagdagsa at deployment ng mga tropa ng US Marines at Philippine Marines sa iba’t ibang bayan ng Ilocos Norte lalo na sa mga komunidad na bahagi ng baybayin ng South China Sea. Ang mga lugar na ito rin ang target na pagtayuan at ekspansyon ng solar at wind power plants.

Nagkaisa ang kumperensya na pasisiglahin at isusulong ang pakikibakang masa sa Ilocos upang ipaglaban ang soberanya at seguridad ng Pilipinas laban sa itinutulak na digmaan ng US laban sa China. Nagpasya din itong isusulong ang pakikibaka para sa sariling pagpapasya ng pambansang minorya at magsasakang Ilokano laban sa pangangamkam sa kanilang mga sakahan at lupang ninuno ng mga dayuhang kapitalistang kumpanya na kasabwat ang rehimeng Marcos. Pangako nilang paiigitingin ang laban sa militarisasyon at paglabag sa karapatang-tao.

[Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines and is issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and views on current issues. Ang Bayan comes out fortnightly and is published in Pilipino, Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.]

https://philippinerevolution.nu/2023/05/07/kumperensya-ng-ndf-ilocos-idinaos/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.