May 07, 2023
Magkakasunod na protesta ang inilunsad ng mga migranteng Pilipino sa pangunguna ng Bagong Alyansang Makabayan-USA sa Washington D.C., US para batikusin ang pagpunta ni Ferdinand Marcos Jr sa bansa.
Noong Mayo 1, nagprotesta sila sa Lafayette Square kung saan nagpulong si Marcos Jr at US President Joe Biden. Matapos nito, hinabol nila ng protesta si Marcos sa Ritz-Carlton Hotel.
Sa sunod na araw, nagpiket sila sa US Naval Observatory kung saan nakipagpulong si Marcos Jr kay US Vice President Kamala Harris. Pagsapit ng gabi, sinugod nila ang pulong ni Marcos Jr sa mga bilyonaryong negosyanteng Pilipino sa isang restawran. Inaresto sa pagkilos ang apat na aktibista. Muli silang nagprotesta noong Mayo 3.

[Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines and is issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and views on current issues. Ang Bayan comes out fortnightly and is published in Pilipino, Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.]
https://philippinerevolution.nu/2023/05/07/marcos-jr-hinabol-ng-protesta-sa-us/

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.