May 05, 2023
Ilang beses nagpaputok ng kanyon ang mga tropa ng 58th IB at 4th Field Artillery Battalion sa Sityo Man-ibay, Barangay Aposkahoy, Claveria, Misamis Oriental noong Abril 26 bilang bahagi ng live-fire exercises ng mga sundalo. Labis na kaba at abala ang idinulot nito sa mga residente at kanilang mga kabuhayan.
Nagpahayag ng pagkadismaya ang mga residente sa social media. Anang isang nagkomento, mistulang nasubok “ang kanilang kaba” dahil sa praktis na pagpapaputok ng mga kanyon sa lugar. Gumamit ang Philippine Army ng dalawang 105mm Standard Howitzer.
Ang isinagawang ehersisyo ay mistulang pagprotekta din ng mga sundalo sa mga plantasyon ng pinya ng Del Monte Philippines na nasa Barangay Aposkahoy.
Noong 2017 ay malawakang binuldoser at pinatag ng kumpanyang Del Monte Philippines para sa mga plantasyon nito ang malawak na lupain na reforested at maburol sa barangay. Hindi bababa sa 137 ektaryang plantasyon ang nakatirik sa lupang ninuno ng mga Higaonon sa naturang lugar. Sa buong bayan ng Claveria, “inuupahan” ng Del Monte ang hindi bababa sa 1,918 ektaryang lupa para sa mga “agri-inudstrial site” nito. Ang kumpanyang Del Monte ay subsidyaryo ng Del Monte Pacific Limited (DMPL).
Noong 2009 ay binigyan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ng environmental compliance certificate (ECC) ang Del Monte para magtayo ng mga plantasyon ng pinya sa 13 barangay sa Claveria kabilang ang Ani-e, Bangun-bangun, Cabacungan, Gumaod, Hinaplanan, Kalawitan, Luna, Patrocinio, Plaridel, Poblacion, Punong, Rizal, at Tambobo-an.
Nang sumapit ang 2019, sinaklaw nito ang karagdagang lupa sa mga barangay ng Man-ibay, Aposkahoy, Bulahan, Lanise, Madaguing, Malagana, Sta. Cruz, at Tipolohon.
https://philippinerevolution.nu/angbayan/live-fire-exercises-ng-afp-sa-claveria-abala-sa-mamamayan/

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.