March 21, 2022
Inambus ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Surigao del Sur ang mga sundalo ng 75th IB na lulan ng habal-habal habang bumibyahe sa Purok 2, Barangay Bolhoon, San Miguel noong Marso 14. Nasamsam mula sa kanila ang isang ripleng R4 habang napaslang ang isang sundalo. Pauwi ang mga sundalo mula sa operasyong kombat sa kalapit na mga komunidad.
Humingi naman ng paumanhin ang yunit ng BHB matapos masugatan ang isang sibilyang drayber sa ambus.
Pitong sundalo ang napaslang sa kontra-opensiba ng BHB-Bukidnon laban sa nag-ooperasyong mga tropa ng 1st Scout Rangers Battalion at 8th IB sa Sityo Kiito, Barangay Can-ayan, Malaybalay City tanghali noong Marso 3. Isang sundalo naman ang napaslang ng BHB sa isang kontra-reyd laban sa 88th IB sa Sityo Bendum, Barangay Busdi sa parehong syudad noong Marso 9.
Sa Agusan del Sur, dalawang sundalo ng 67th IB ang napaslang habang pito ang nasugatan sa ambus ng BHB sa Barangay Manat, Trento noong Marso 12.
Magkakasunod na operasyong haras ang inilunsad ng BHB-Northern Samar (Rodante Urtal Command) sa mga barangay ng Catubig. Noong Pebrero 16, pinaputukan ng BHB ang mga tropa ng PNP-Special Action Force sa pagitan ng Barangay Roxas at Barangay San Jose (Hebobollao). Dalawang sundalo ang napatay at dalawa ang nasugatan.
Sa Barangay Tungodnon noong Pebrero 21, pinaputukan ng BHB ang 20 nag-ooperasyong kaaway. Dalawa ang naiulat na napaslang. Muling pinaputukan ng mga Pulang mandirigma ang mga nag-ooperasyong tropa sa CM Recto (Lobedico) noong Pebrero 24.
[Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines and is issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and views on current issues. Ang Bayan comes out fortnightly and is published in Pilipino, Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.]
https://cpp.ph/2022/03/21/ripleng-r4-nasamsan-ng-bhb-surigao-del-sur/

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.