March 21, 2022
Barikada ng taumbaryo sa Negros. Pinalibutan ng mga residente ng Sityo Cabiti, Barangay Santol, Binalbagan ang bahay ng kababaryo nilang si Lucia Sales noong madaling araw ng Marso 20 para ipagtanggol siya laban sa sumasalakay na sundalo at pulis. Si Sales ay tinarget ng mga pwersa ng estsado dahil kasapi ng Asosasyon para sa Kauswagan sang mga Mangunguma kag Mamumugon sa Uma.
Ika-27 taong kamatayan ni Flor Contemplacion. Ginunita ng Migrante noong Marso 17 ang pagpatay kay Flor Contemplacion sa pamamagitan ng isang piket sa Mendiola, Maynila. Si Contemplacion, isang domestic helper, ay binitay sa Singapore sa kasong pagpatay. Hinatulan siya ng kamatayan doon noong 1995. Biktima siya ng kapabayaan ng reaksyunaryong estado sa Pilipinas sa mga migranteng Pilipino.
Hustisya para sa New Bataan 5! Nagkaroon ng programa sa Davao City, Cebu City at Quezon City upang ipanawagan ang hustisya para sa New Bataan 5 noong Marso 11 matapos lumabas ang inisyal na autopsy sa katawan ni Chad Booc. Lumabas sa imbestigasyon na namatay si Booc matapos paulanan siya ng bala. Bagamat hindi na dumaan sa awtopsiya ang iba pang biktima, naobserbahan sa mga katawan nina Elgyn Balonga at Gelejurain Ngujo III ang katulad na bakas ng maraming bala at pasa.
Alawans ng mga titser, huwag buwisan. Nagpiket ang mga myembro ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) sa harap ng upisina ng Comelec noong Marso 10 para kastiguhin ang 20% buwis na ipinataw sa kanilang alawans pang-eleksyon. Sa ulat ng mga lokal na unyon ng ACT, ang kakarampot na ₱2,000 na alawans ay kakaltasan ng ₱400 na buwis. Sa nakaraan, nasa 5% lamang ang kaltas na buwis. Panawagan na noon na tanggalin ito.
[Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines and is issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and views on current issues. Ang Bayan comes out fortnightly and is published in Pilipino, Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.]
https://cpp.ph/2022/03/21/mga-protesta-46/

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.