March 22, 2022
Siyam na sibilyan ang iligal na idinetine ng mga pwersa ng 72nd IB mula pa unang linggo ng Marso sa White Kulaman, Kitaotao, Bukidnon. Ang mga sibilyan ay mga magsasakang ipinatawag ng militar sa kanilang kampo para sapilitang pasukuin bilang mga “myembro” ng hukbong bayan sa tabing ng “paglilinis” ng kanilang mga pangalan.
Iniulat ng Pambansang Katipunan ng mga Magbubukid (PKM)-Southern Mindanao na ang siyam — walong Manobo at isang Ilonggo — ay mga residente sa magkakatabing komunidad ng White Culaman. Noong Enero, napag-alaman ng siyam na mayroong mandamyento de aresto sa kanilang mga pangalan.
“Sinabi sa kanilang pamilya at kamag-anak na mareresolba ang kaso ng mga magsasaka kung pupunta sila sa 72nd IB na kasalukuyang umookupa sa White Culaman,” ayon kay Restituto Baguer, tagapagsalita ng PKM-Southern Mindanao.
Ikinulong ang siyam sa isang health center sa White Culaman at nilokong “maghintay sila sa ligal na proseso.” Pinagbabawalan silang lumabas sa center o maghanapbuhay para sa kanilang mga pamilya. Hindi rin sinabi sa mga magsasaka kung gaano katagal silang ikukulong sa lugar.
Dahil dito, napilitan ang mga pamilya ng siyam na puntahan sila sa White Culaman. Pagdating nila doon, idinetine rin sila ng militar.
“Sa harap ng pandemya at sumisirit na presyo ng batayang mga produkto, wala kaming mapagpilian. Magugutom kami,” sabi ng isa sa mga kapamilyang sumaklolo sa mga inaresto.
Habang nasa detensyon, ang mga asawa at anak lamang ng mga magsasaka ang pinapayagang lumabas ng center at magtrabaho nang ilang oras sa kanilang mga sakahan. Mahigpit silang binabantayan ng mga sundalo.
Kinundena ni Baguer ang pagkulong sa mga magsasaka at kanilang mga pamilya. Aniya, resulta na ito ng Anti-Terror Law kung saan binabansagan ang mga sibilyan at hindi armado na “bahagi BHB” at ipapailalim sa iligal na detensyon.
Ayon pa sa PKM-SMR, ang siyam ay una nang inaresto noong Agosto 2015. Kabilang sila sa 15 na magsasaka, kung saan lima ang menor-de-edad, na ikinulong sa hedkwarters ng 19th IB sa Maramag, Bukidnon. Pinakawalan sila 22 araw matapos ibasura ang gawa-gawang kasong isinampa laban sa kanila.
https://cpp.ph/angbayan/9-na-magsasaka-idinetine-ng-72nd-ib-sa-bukidnon/

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.