Tuesday, March 22, 2022

CPP/Ang Bayan Daily News & Analysis: Nararapat na benepisyo at dagdag sahod sa mga health worker, patuloy na ipinagkakait

Ang Bayan Daily News & Analysis online propaganda posted to the PRWC Newsroom, the blog site of the Communist Party of the Philippines (CPP) Information Bureau (Mar 22, 2022): Nararapat na benepisyo at dagdag sahod sa mga health worker, patuloy na ipinagkakait (Appropriate benefits and additional wages to health workers, continue to be denied)




March 22, 2022

Hindi pa rin naibibigay ang pangakong mga benepisyo sa mga manggagawang pangkalusugan. Noong Marso 21, nagpiket ang mga myembro ng Lung Center of the Philippines Employees Association-Alliance of Health Workers (LCPEA-AHW) para kagyat nang ipamahagi ang mga benepisyong noon pang nakaraang taon naipamigay na. Nanawagan din silang itaas ang kanilang mga sweldo.

Panawagan din ng mga manggagawang pangkalusugan na ipagkaloob na clothing allowance at iba pang insentibang napagkasunduan sa kanilang collective negotiation agreement, kabilang ang ₱15,000 para sa taong ito.

“Ang aming ospital ay isang Covid-19 referral hospital pero kaming mga manggagawa sa kalusugan, na nag-aasikaso sa napakaraming pasyenteng may Covid-19 sa harap ng bantang mahawa kami, ay pinagkakaitan ng kakarampot na kompensasyong ito,” ayon kay Eleazar Sobinsky, pangulo ng unyon.

Hindi pa natatanggap ng ospital ang Active Hazard Duty Pay (AHDP) mula Marso hanggang Hunyo 2021 na nakatakda sa ilalim ng batas na Bayanihan 2. Gayundin, hindi pa inilalabas ang kanilang salary regularization adjustment.

“Sa harap ng matinding pagsirit ng presyo ng langis at batayang pangangailangan, makatutulong ang mga benepisyong ito sa aming kakarampot na sweldo,” sabi pa ni Sobinsky.

Nangako ang unyon na ipagpapatuloy nila ang kanilang pangangalampag at mga protesta hanggang sa matanggap nila ang kanilang mga benepisyo at mabigyan sila ng dagdag-sahod.

https://cpp.ph/angbayan/nararapat-na-benepisyo-at-dagdag-sahod-sa-mga-health-worker-patuloy-na-ipinagkakait/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.