Wednesday, December 2, 2020

CPP/News: Hunyo-Oktubre: 20 opensiba sagot ng BHB-NCMR sa FMO

Propaganda news story posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Website (Dec 2, 2020): Hunyo-Oktubre: 20 opensiba sagot ng BHB-NCMR sa FMO

NEWS STORIES
DECEMBER 02, 2020



Dalawampu ang naitalang aksyong militar ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) sa limang prubinsya ng North Central Mindanao Region (NCMR) mula Hunyo hanggang Oktubre. Katumbas ito ng isang opensiba kada linggo, at nagresulta sa hindi bababa sa 26 napatay at 23 sugatan sa hanay ng militar at pulis.

Ang mga aksyong ito ay tugon ng BHB-NCMR sa mga focused military operation (FMO) na nagdulot ng matinding pahirap sa mga magsasaka at Lumad ng rehiyon.

Sa panimulang pagkwenta ng BHB-NCMR, mula Hunyo hanggang Agosto, hindi bababa sa 160 ektarya ng pananim ang nasira sa Bukidnon at Agusan del Sur pa lamang. Sa mga baryong okupado ng mga sundalo, kinontrol ang pagpunta ng mga magsasaka sa kanilang mga bukid. Dahil dito, maraming palay at gulayin ang hindi naani. Walang-pakundangan ring kinanyon at binomba ng mga helikopter at eroplano ang kabundukan na sumira sa mga sakahan.

Dagdag pa ng BHB sa rehiyon, nagdulot din ng gutom ang mga ipinatupad na blokeyo sa pagkain sa mga lugar ng FMO. Hinaharang sa mga tsekpoynt ang mga residente at kinukumpiska ang mga itinuturing ng militar na “labis” na suplay.

Sa kabuuang bilang ng mga opensiba, siyam ang isinagawa ng BHB sa Agusan del Sur at lima sa Bukidnon. kung saan pinakamatindi ang pinsala ng mga FMO. Nakapagtala rin ng tatlong opensiba sa Misamis Oriental, dalawa sa Lanao del Norte at isa sa Agusan del Norte.

Tinarget ng mga opensiba ang pusakal na mga tauhan ng 402nd at 403rd Brigade. Tampok sa mga inisyatiba ng BHB ang apat na pag-atake sa tropa ng 1st SFB at PNP-Region 10 noong Agosto 12 sa Barangay San Rafael, Talakag, Bukidnon. Isang helikopter naman ang pinaputukan ng mga Pulang mandirigma noong Oktubre 29 sa Barangay San Vicente, Esperanza, Agusan del Sur.

Pitong Pulang mandirigma naman ang nagbuwis ng kanilang buhay sa mga labanan.

https://cpp.ph/2020/12/02/hunyo-oktubre-20-opensiba-sagot-ng-bhb-ncmr-sa-fmo/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.